Kung titingnan mo ay parang hindi dumaan sa matinding operasyon at nag-fifty-fifty si Bea, ang baby ni Andrea del Rosario. Masayahin ang bata kaya naman naiiyak si Andrea kapag nakikita niya ang kanyang anak na nakangiti at walang sign na nagkasakit ito.

Kinuwento ng former member ng Viva Hot Babes na ang anak niya ay ipinanganak na may Jejunal Atresia. Ang mga sanggol na may sakit na ito ay pinapanganak na may complete absence or closure ng isang part ng small intestine.

 

Photo: Ruel J. Mendoza

Dumating sa Pilipinas ang dating sexy actress at former member ng Viva Hot Babes na si Andrea del Rosario noong August 1.

Kasama niya ang kanyang one-year-old daughter na si Beatrice Anne na ipinanganak sa Chicago, Illinois.

Ilang buwan lang daw sila rito sa bansa at kailangan din nilang bumalik sa Amerika dahil na rin sa kalagayan ng kanyang anak. Pero kahit wala pang isang linggo sa Pilipinas si Andrea ay nakapag-taping na siya para sa isang drama series.

Ikinuwento ni Andrea sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na muntik nang hindi mabuhay ang baby niya dahil sa kumplikasyon na pinagdaanan niya noong pinagbubuntis pa lang niya ito.

Ipinanganak ang kanyang baby girl na may "jejunal atresia."

JEJUNAL ATRESIA. Ayon sa website na www.mombaby.org, ang "jejunal atresia" ay isang congenital condition. Ang mga sanggol na may ganitong uri ng karamdaman ay ipinapanganak na may complete absence or closure ng isang part ng small intestine.

Ayon kay Andrea, nasa fifth month pa lang siya ng pagbubuntis sa kanyang baby nang ma-detect sa 4-D ultrasound na may gano'ng problema ang kanyang dinadalang baby.

"Una pa ngang nagsabi sa akin na may problema ay yung technician ng 4-D ultrasound. May na-detect siya na hindi tama sa baby ko.

"So, nagpatingin ako agad sa doctor ko. Nakita nga na twisted ang intestine ng baby ko.

"They were supposed to open me up. Gusto nila na ilabas ko na siya, pero nagdesisyon ako na hintayin na lang at baka mag-develop pa.

"Ang gusto ko lang talaga ay matapos ko ang term ng pregnancy ko at hopefully, maayos ang lahat.

"Pero hindi pala gano'n kasimple ang lahat," lahad ni Andrea.

Sinabihan na raw siya ng kanyang doktor na may chance na hindi mabuhay ang batang dinadala niya. Pero ipinagdasal ni Andrea ang kanyang baby dahil ayaw niyang mamatayan ulit ng anak.

"Before dumating si Bea [nickname ng kanyang anak], I had an ectopic pregnancy. Two months pa lang ako noon nang malaman na gano'n pala.

"Iniyakan ko iyon because first baby ko. Kaya ayokong mawala ulit ito.