Gov. ER Ejercito (left), who stars in the remake of Asiong Salonga, was dismayed when the movie was rejected to this year's Metro Manila Film Festival (MMFF). "Masyadong violent kasi, puro patayan. Kaya [siguro] hindi napili sa festival," he says.

The film's director Tikoy Aguiluz (right) observes: "Why did they say [that the film was 'too violent'] when they haven't seen it yet?  Hindi pa nila napapanood, e."

 

 

 

Photo: Mell T. Navarro

May last two shooting days pa si Laguna Governor ER Ejercito sa unang sinimulang i-shoot na Asiong Salonga: Kingpin Ng Tondo pero sumabak agad siya sa trabaho, para sa sinimulang El Presidente: The True Story of Gen. Emilio Aguinaldo.


"Nakakapagod, 'di pa ako tapos sa isa... start uli ako ng next," sabi  ni Gov. ER, who's billed, as Jorge "ER" Ejercito sa dalawang movie projects na parehong idinidirek ni Tikoy Aguiluz.


On his first shooting day with the superstar, Nora Aunor, positibo ang mga pananalita ni Gov. ER, as told to PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).


"Okey naman. Pamilya naman si Miss Nora Aunor.  Pamilya naman siya, e.  Kasama natin lagi sa kampanya 'yan, e.  Hindi naman siya bago sa akin.


"Siyempre, iba rito, leading lady ko siya ngayon.  Maganda yung role niya, [as] Maria Agoncillo, second wife [of Gen. Emilio Aguinaldo]. Ang aga niya kanina, e.  Ten 0'clock [ng umaga] dumating; maaga siya dumating sa set."


On his part, kailangan munang tugunan ni Gov. ER ang mga gawain sa kapitolyo ng Laguna, bago mag-report sa location, sa Kawit, Cavite.

"Nasa kapitolyo ako, ng 8 0'clock [a.m.] hanggang 3 0'clock [p.m.]... [From there], dumeretso na ako dito.  Bukas, balik namang kapitolyo.

"Yung Asiong Salonga, du'n [sa Laguna] lahat ang shooting namin, kaya mabilis lang," pagtukoy pa niya.


DISAPPOINTMENT.  Hindi ikinaila ni Gov. ER Ejercito ang kanyang disappointment sa naging kapalaran ng Asiong Salonga, na na-reject bilang entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF), sa taong ito.


"Sa abroad namin ipapalabas 'yon, e.  Masyadong violent kasi, puro patayan.  Kaya [siguro] hindi napili sa festival," pahayag din ng actor-politician.


Opinyon din niya, "'Yung festival, ano, e, puro slapstick comedy; puro horror, slapstick comedy..."


He said they are aiming for quality, in the artistic sense, in the two productions na kasalukuyang tinatapos, sa ilalim ng Scenema Concepts, Inc.


"Every year, gumagawa ako [ng pelikula].  Balik-bida nga lang dito," sabi rin ni Gov. ER, na tulad din ng movies noon ng kanyang yumaong ama, George Estregan, at uncle, former President Joseph Estrada. 


In fact, ang Asiong Salonga ay isang "remake" ng pelikulang nagbida si dating Pangulong Erap, in the '60s.  Ang El Presidente naman ay isang historical biopic on the life and heroism of Gen. Emilio Aguinaldo.


MMFF 2011 CRITERIA QUESTIONED.  Maging si Direk Tikoy Aguiluz ay hindi rin nagkaila ng kanyang disappointment over Asiong Salonga's non-inclusion in this year's MMFF entries.


"Na-disappoint ako," sabi ni Direk Tikoy sa PEP.  "Ang gusto ko lang malaman, ano ba ang criteria [ng MMFF selection committee]? 


"Why did they say [that the film was 'too violent'] when they haven't seen it yet?  Hindi pa nila napapanood, e," himutok ng direktor.


"Ang script [ng Asiong Salonga], nagustuhan nila.  Hindi ko talaga maintindihan kung ano talaga ang criteria nila.  Dapat i-klaro nila.


"Is it [really] too violent?  How can they say so when they haven't seen the film [yet]," pagtukoy uli ni Direk Tikoy.


"It's a gangster movie, [so it] is violent per se?  Kumbaga, gumawa ka ng Godfather, o Scarface... 'di pa nila napapanood, [they've judged it already], 'O, violent 'yan, 'di puwede 'yan!'


"Ano ba 'yan?!" aniya.


"Well, ang akin naman, nanghihinayang ako sa producer [na bago]; we should encourage new producers to come in.


"H'wag namang sila nang sila, every year," sabi pa ng premyadong direktor.


Batid ni Direk Tikoy Aguiluz ang naging pagkiling ng taunang Metro Manila Filmfest sa "mas komersiyal" na mga film entries, para sa pagtangkilik ng nakakaraming manonood, tuwing Christmas season.


"Tanggap na nating lahat 'yan," wika pa ni Direk Tikoy.  "Kaya lang... it has to change.  That is the only time na may laban ang local films."


Hindi nga lang sumasang-ayon si Direk Tikoy na pawang malalaking producers ang higit na nabibigyan ng pagkakataon sa MMFF.


"Parang exclusive club, e.  'Pag hindi ka member ng club... out ka?" tanong din niya.


Samantala, simula last year, nagkaroon na rin ng participation ang ilang indie films, na itinatanghal kasabay ng MMFF main entries.


"Nakakatawa nga, e.  Nagkaroon sila ng indie section, [parang] saling-pusa," sabi ni Direk Tikoy.  

"One screening only.  Nakakahiya naman yun.  Insulto sa mga indie [producers and filmmakers] 'yan.  Dapat 'yon, i-boycott ng mga indie!"


Regarding Direk Tikoy's latter statement, bukas ang PEP sa panig ng MMFF Selection Committee member/representatives. 


UNDERESTIMATED.  Gayunpaman,  positibo ang pananaw ni Direk Tikoy hinggil sa Asiong Salonga. 


"It's slated for showing abroad.  That's the plan," banggit pa niya.


Magkakaroon din daw ng special screening, o World Premiere, kung sakali, ang pelikula, sa taunang Cine Manila International Film Festival (CIFF), sa November 11, 2011. 


Si Tikoy Aguiluz ang festival director ng taunang CIFF.


"Asiong Salonga is, for me, one of the [most] exciting.  Iba.  Gov. ER  will surprise everyone.  Believe me.  Parang Erap movie, [in] black and white [din].


"Parang magiging surprise [film] ito.  Unang-una, na-reject [sa MMFF].  Pangalawa, si Gov. [ER], na-underestimate nila.  

"Nag-e-evolve naman ang tao, e.  Pero hayaan na nga silang mang-underestimate. Basta, it will be a surprise.  It will be a surprise.  Sorpresa talaga," sambit pa ni Direk Tikoy.