Ai-Ai delas Alas understands Boy Abunda's decision to leave Backroom

Rommel Placente
Monday, August 15, 2011 @ 03:02PM  |  150 views

 

"Alam ninyo naman na mahal ko si Boy, di ba? Saka na mahal din ako nun. Nalulungkot ako kasi siyempre family ko yun, e. Kaya nga 'ama,' di ba? Pero may mga bagay na minsan isasakripisyo natin for our family, e. Sobra ko naman siyang naiintindihan," says Ai-Ai delas Alas about Boy Abunda's decision to leave Backroom.

Photo By: Noel Orsal













Iniwan na ni Boy Abunda ang pangangalaga sa Backroom, Inc., ang talent management na itinayo niya.

Hindi na kasi niya ito mabibigyan ng atensyon dahil sa dami ng kanyang trabaho, bukod pa sa gusto rin niyang lagi nang nakakasama ang kanyang ina na kasalukuyang maysakit. (CLICK HERE to read related story.)

Isa si Ai-Ai delas Alas sa maraming talents ng Backroom, Inc.

Kuwento ni Ai-Ai sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), una  siyang kinausap ng King of Talk para sabihin ang naging desisyon niya.

"Nagkausap kami ni Boy, ako muna... Siyempre I'm the favorite kaya ako yung kinausap niya na magpapahinga muna siya.

"Yung mama niya... maraming dahilan, basta siya ang gusto niya, magkaroon din ako ng...

"Gusto niya mag-self-manage ako at maging manager din ako later on.

"Gusto niya yun, paplanuhin namin yun."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ai-Ai noong Sabado, August 13, sa Zirkoh Tomas Morato.

Patuloy pa ng comedienne, "Pero lahat ng gig, account ko. Lahat ng commercials ko, sa Backroom pa rin. 

"Pero puwede rin akong mag-self-booking. Puwede rin silang mag-book sa akin.

"Pero yung mga malalaki kong account, sa Backroom pa rin."

Nagkaiyakan ba sila ni Boy nang mag-usap sila?

"Naiyak ako sa kanya kasi nararamdaman ko yung napi-feel niya," sabi ni Ai-Ai.

"And alam ninyo naman na mahal ko si Boy, di ba? Saka na mahal din ako nun.

1  2  3  4  Next »

Related Articles

17 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name