"Kung anuman yung dati, parang nakalimutan na namin yun. Bagong magkaibigan ulit kami," says Kim Chiu about her past relationship with Gerald Anderson.

Photo: Monching Jaramillo

"Kain lang kami nang kain pag kasama ko siya.

"Ewan ko, mahilig lang ba siyang kumain, o mabilis siyang magutom?"

NEW LEADING MEN? Mukhang maganda ang nangyayari ngayon sa career ni Kim.

Last Saturday, August 13, ay ipinalabas ang  Maalaala Mo Kaya episode nila ni Edgar Allan Guzman kung saan marami ang pumuri sa kanilang ipinakitang galing sa pag-arte.

Gumanap sila bilang nursing students sa naturang episode.

"Talaga? Salamat sa lahat ng nanood. Salamat sa lahat ng sumuporta ng MMK namin," sambit ni Kim.

Nagkausap, o nag-text-an ba sila ni Edgar Allan about their episode at napag-usapan na okey at marami ang pumuri sa performance nila?

"Hindi po. Hindi naman talaga kami magkakilala. No'n lang ng mga araw na yun [ng taping nagkakilala]," sabi niya.

Hindi ba siya nahirapan dahil hindi sila halos magkakilala ni Edgar Allan, pero they had to portray roles na may feelings sila sa isa't isa?

"Medyo mahirap na hindi kami nag-uusap. Hindi kami magkakilala and sa eksena lang kami nagkikita," pag-amin niya.

GERALD AGAIN? Napaiyak si Kim last Sunday, August 14, sa interview sa kanya ni Boy Abunda sa The Buzz. Pinag-usapan doon kung paano siya nag-move on sa hiwalayan nila ng dating ka-loveteam at sinasabing naging malapit sa puso niya na si Gerald Anderson.

"Oo, nga. Yung sad music kasi...

"Kasi, yung mga tanong, hindi yun yung alam kong mga tanong.

"Mayro'n na silang mga tanong na binigay sa 'kin and confident na ako sa mga sagot ko. Pero biglang nag-iba.

"Tapos sinundan pa ng mga sad music. Tapos tinititigan pa ako ni Tito Boy.