"Wala pong masama magkaroon ng loveteam. But sa ngayon, nagpo-focus po ako bilang isang solo actor. Nagpo-focus ako sa craft ko ngayon. 'Yon po ang main priority ko ngayon," says Gerald Anderson about not having a constant onscreen partner unlike his previous years in showbiz.

Photo: Noel Orsal

Hindi pa rin maiwasan ng media na tanungin sina Gerald Anderson at Kim Chiu tungkol sa paghihiwalay nila bilang magka-loveteam.

Ayon pa sa kanila, ang paghihiwalay nila bilang magkapareha ay parte lamang ng pagpapahusay ng kanilang kakayahan bilang mga aktor.

Subalit tila may ilan pa rin na hindi matanggap ng iba na hindi na muling makikitang magkasama sina Gerald at Kim sa telebisyon at pelikula.

Muli pa itong napag-usapan nang makitang umiyak si Kim sa panayam sa kanya ng The Buzz noong Linggo, Agosto 14. (CLICK HERE to read related article.) 

Para kay Gerald, wala na raw siyang magagawa tungkol dito.

"Ganoon po talaga, e. May mga fans na ayaw pa rin po talaga.

"Pero may fans na... siguro sa isang grupo na may 10 people, siguro may dalawa o isa na may ayaw.

"Wala na po tayong magagawa diyan, e," saad niya sa interview matapos niyang i-renew ang kanyang product endorsement contract sa Dermablend kahapon, August 16, sa Mario's restaurant, Tomas Morato, Quezon City.

Sabi pa ng 21-year-old actor, kailangan tanggapin na lamang na kanilang mga masugid na tagahanga na maaaring matagalan pa bago maulit ang kanilang pagtatambal.

"Siguro naman by now, alam na po nila na trabaho lang ito.

"Kailangan naming gawin ito dahil ito po ang buhay namin, ito po 'yong profession namin," aniya.

Hiniling din ni Gerald na maging masaya na lamang ang publiko para sa kanilang dalawa.

"Tulad nga po ng sinabi ko, tanggapin na po natin na gano'n na ang sitwasyon naming dalawa.

"Sobrang happy niya, sobrang happy ko at pareho po kaming busy.