news

Gerald Anderson wants to focus on being a "solo actor" at this point of his career

by Nerisa Almo posted on August 16, 2011  STATS: 16340 Views | 18 Comments

 

"Wala pong masama magkaroon ng loveteam. But sa ngayon, nagpo-focus po ako bilang isang solo actor. Nagpo-focus ako sa craft ko ngayon. 'Yon po ang main priority ko ngayon," says Gerald Anderson about not having a constant onscreen partner unlike his previous years in showbiz.

Photo By: Noel Orsal

Hindi pa rin maiwasan ng media na tanungin sina Gerald Anderson at Kim Chiu tungkol sa paghihiwalay nila bilang magka-loveteam.

Ayon pa sa kanila, ang paghihiwalay nila bilang magkapareha ay parte lamang ng pagpapahusay ng kanilang kakayahan bilang mga aktor.

Subalit tila may ilan pa rin na hindi matanggap ng iba na hindi na muling makikitang magkasama sina Gerald at Kim sa telebisyon at pelikula.

Muli pa itong napag-usapan nang makitang umiyak si Kim sa panayam sa kanya ng The Buzz noong Linggo, Agosto 14. (CLICK HERE to read related article.) 

Para kay Gerald, wala na raw siyang magagawa tungkol dito.

"Ganoon po talaga, e. May mga fans na ayaw pa rin po talaga.

"Pero may fans na... siguro sa isang grupo na may 10 people, siguro may dalawa o isa na may ayaw.

"Wala na po tayong magagawa diyan, e," saad niya sa interview matapos niyang i-renew ang kanyang product endorsement contract sa Dermablend kahapon, August 16, sa Mario's restaurant, Tomas Morato, Quezon City.

Sabi pa ng 21-year-old actor, kailangan tanggapin na lamang na kanilang mga masugid na tagahanga na maaaring matagalan pa bago maulit ang kanilang pagtatambal.

"Siguro naman by now, alam na po nila na trabaho lang ito.

"Kailangan naming gawin ito dahil ito po ang buhay namin, ito po 'yong profession namin," aniya.

Hiniling din ni Gerald na maging masaya na lamang ang publiko para sa kanilang dalawa.

"Tulad nga po ng sinabi ko, tanggapin na po natin na gano'n na ang sitwasyon naming dalawa.

"Sobrang happy niya, sobrang happy ko at pareho po kaming busy.

"Friends po kami. Kapag may problema siya, nandito po ako.

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

18 Comments

  • 18  kilabotako

    08/18/2011 | 02:54 AM
    we love u ge,.hot at gwapo tlaga,magaling pang umarte,,tama iyan iho,mas ok solo ka nalang,.less isyu at pashowbiz na isyu na ikakasira mo bilang tao at star,no need loveteam na cheap at pashowbiz,kaya mo namang mag solo na,.may star apil ka e,,moving on na during those kim-gerald days,.let them work as solo stars,na iba iba ang pares para mag matured at may growth sila bilang stars o actors,.saka,,yung lovelife ,hayaan mo na munang matulog kase bata kapa,,baka iyan pa ikasira mo diba?focus nalang sa work,sa career,family at sa dyos,.mga 25 ,dun kana lang manligaw,.u better submit ureself kay god bago ka magmahal ng iba,,cant wait s atandem nyo ni JESY MENDIOLA,.bagay din s akanya si MELISA RICKS,NINA JOSE,STEF PRESCOTT,ANGELENE AGUILAR,PIA ROMERO etc,,just work decentlya t proffesionaly ge,.we love u,
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 17  LiamXY

    08/17/2011 | 01:34 PM
    i beg to disagree na duty free lang ang tintin ni Geh. Americano yata ang father niya, so expected na big ang future niya.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 16  joalone

    08/17/2011 | 11:44 AM
    lipat ka na lang sa kapuso wala kwenta ka dyan sa kapamily at ligawan mo na si sarah atleast malaman unlike kim toothpick lol!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 15  hayohay

    08/17/2011 | 11:26 AM
    greencardholder, di old pic 'yan. yan ang hitsura niya ngayon.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 14  pepato

    08/17/2011 | 11:17 AM
    No. 8 ballungangalla . . . You mean maliit na nga ang tintin nya pero hanggang ngayon maloka-loka pa rin si Kim Chiu sa kanya at di pa rin maka-move-on??? Tumbling! Hehehe!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 13  truth_gma

    08/17/2011 | 11:06 AM
    parang may pagkamalamya ni Gerald...kelangan bato bato pag kumilos....
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 12  mistylove2x

    08/17/2011 | 10:38 AM
    I mean sinisiraan mo si Kim hindi pala si gerald typo error.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 11  mistylove2x

    08/17/2011 | 10:38 AM
    talaga no.9 pinasbuzzer? di kaya sinisiraan mo si gerald dahil fan ka ng isa sa mga nalilink sa kanya ngayon? hindi selosa si Kim, kampante nga siya sobra.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 10  MiaSarah

    08/17/2011 | 08:24 AM
    Nagpapayat po si gerald para sa Budoy dahil kelangan un sa character nya
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • pinasbuzzer

    08/17/2011 | 07:57 AM
    Good luck Gerald we love you buti naman at mabilis ka mag move on Selosa kasi si Kim gusto nia I under si Gerald yan tuloy napagod na si papa Gerald
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • balluganggalla

    08/17/2011 | 06:33 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • greencardholder

    08/17/2011 | 06:26 AM
    old pic naman yang kay Gerald PEP. bat ganyan kayo? pag hindi GMA talent madalas mina murder nyo pic? just asking.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • angel25

    08/17/2011 | 06:25 AM
    kelangan nya uli magpalaman ng konti, di bagay sa kanya ang payat, tumanda mukha nya, saka yung hair nya di bagay. mas cute sya kung bilog yung mukha nya konti.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • humanoid

    08/17/2011 | 03:39 AM
    ano ng yari ssa mukha ni GA dito, para cyang tumanda..wla atang make-up
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • StocksAndBonds

    08/17/2011 | 01:51 AM
    mabuti na rin yun. you will be taken more seriously as an actor if you are paired with other actresses and same with kim
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • LiamXY

    08/17/2011 | 12:43 AM
    its his prerogative. Obviously wala syang pagmamahal kay Kim Chiu other than just being a friend and loveteam, un lang. Mahirap naman pilitin ang puso. I enjoyed his movie with Sarah. Good luck din kay Kim dami nga nanliligaw sa kanya na mga wafu din.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • pepato

    08/16/2011 | 11:38 PM
    Tama yan. Wink! Wink!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • akoysayo

    08/16/2011 | 11:03 PM
    nakawala karin gerald...congrats!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About