Recently ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lorna Tolentino kaugnay sa pagtatapos ng kanilang series this week na talagang sinubaybayan ng mga manonood.
Sa pagganap niya bilang Allondra sa seryeng Minsan Lang Kitang Iibigin, ipinakita ni LT ang versatility at brilyo ng isang mahusay na aktres.
Playing a villain role in Minsan Lang Kitang Iibigin, napakahalaga ng karakter na ginagampanan ni Lorna sa seryeng ito sa Primetime Bida ng Kapamilya network.
Napakaepektibo raw niya bilang kontrabida kung kaya't minsan ay nagkakapisikalan na sila ni Amy Austria who's playing the role of Lora.
"Hindi naman sinasadya. It hapened one time, pero kasi, mali ang pagkaka-block ko.
"Kailangan kasi mag-bend ka, e, natamaan niya ako. Alam mo naman pag sinasadya at pag hindi.
"Pinag-uusapan namin [ni Amy] yun. Pag kailangan ng sampalan, pag totoong sampalan, pag sinabi ng direktor na dapat totoo, dapat gawin ninyo talagang totoo para effective," saad niya.
VIOLENT REACTIONS? Sa maraming pagkakataon, nakakaranas ang ilan sa mga artista na gumaganap ng kontrabida roles na masigawan, minsan pa nga ay mapukpok ng payong dahil sa epektibo nilang pagganap.
Naranasan din kaya ni Ms. LT ang ganitong reaksyon mula sa mga manonood?
"Hindi naman, kasi siguro mas mature na ang audience natin ngayon. Mas matalino na. Alam nila na role lang 'yan.
"Tapos, mas sanay naman sila na iba-iba naman ang ginagampanan ko.
"Katatapos lang ng Dahil May Isang Ikaw, mabait naman ako dun.
"So ngayon, alam nila na role lang ito. Trabaho lang."
Para sa aktres, ang pag-iba-iba ng roles na ginagampanan ay nagpapalalim ng kanyang versatility bilang isang artista.
"Maganda yung ganito. Iba-iba yung nagagawa mo para mayroon kang verstility. Ayoko din naman na puro api na lang.




0

