"It's unfortunate there are people still thinking about these things instead of supporting each sport or the Filipino athlete, as a whole. Pinakikita nila yung medyo, gaano kakitid yung pagkakaintindi nila sa mga sports na ito," says Philippine Azkals manager Dan Palami (in photo) about the Facebook post comparing the Azkals to the Dragon Warriors, the Philippine Dragon Boat Team.

Photo: Noel B. Orsal

"Ako, if we have a chance, why not? We should support all the athletes of the Filipinos," deklara ng Tacloban, Leyte-native na si Palami.

"But, as it is, sa totoo lang, for the Azkals, as it is, [it's] my money that I'm spending.

"I think it's also unfair to tell me where to spend it. Kung dito sa sports na 'to, o doon.

"I chose to spend it on a sport that I love and chose it to spend on a sport na I'm passionate about."

Bago naging manager ng Azkals ay dati nang manager ng RP Under-19 football team ang 40-something na si Palami.

Nilapitan ng Philippine Football Federation (PFF) si Palami noong 2009 upang i-manage ang Azkals.

Pumayag naman siya sa kundisyong ima-manage niya ang Azkals sa sarili niyang paraan at malaya sa mga pamumulitika at intriga na kinasasangkutan noon ng PFF.

Patuloy pa ni Palami, tungkol pa rin sa pagtulong sa Dragon Warriors, "Now if there's a chance na makatulong din tayo sa dragon boat, why not?

"But I don't think na it should be an obligation sa atin na iobliga tayo na tulungan ang lahat ng sports.

"Because after that, mayroon ding ibang sports na kailangang tulungan.

"And we've been actually helping other sports as well."

Patunay nga ng sinabing ito ni Palami ang pagtulong niya sa maliit at di kilalang Philippine Street Soccer Team na nag-uwi rin ng Host Trophy sa nilaruan nitong Homeless World Cup Street Soccer Championship sa Rio de Janeiro, Brazil noong nakaraang taon.

Ayon sa team manager ng Philippine Street Soccer Team na si Rudy del Rosario, nilapitan nila si Palami noon para mapunan ang kakulangan nila ng pondo sa pagpunta sa Brazil.

Pangalawang taon na raw ito ng pagtulong ni Palami. At dahil sa association ng soccer team sa kanya, nabiyayaan din tuloy sila ng tulong-pinansiyal na P200,000 mula sa Pharma-Rex, ang kumpanyang may-ari ng Cortal SQR na siyang nag-host ng dinner ng gabing iyon.

"In fact, itong Homeless World Cup, while it's still football, it's not Azkals. But we're here to support it."