Hindi pa man naipalalabas ang unang pelikula ng young actor-rapper na si Elmo Magalona, ang Tween Academy: Class of 2012, ay may follow-up movie na siya agad na sinisimulan.
Ito ay ang launching movie nila ng kanyang ka-loveteam na si Julie Anne San Jose—o mas kilala sa tawag na Juliemo.
Just One Summer ang title nito na idinidirek ni Mac Alejandre for GMA Films at scheduled for release sa January 2012.
Nagsimula ang tambalan nina Elmo at Julie Anne sa isang production number sa Sunday musical-variety show ng GMA-7 na Party Pilipinas.
Marami ang nagkagusto nito kaya ginawa nang regular ang duets nila sa programa, hanggang sa magkaroon na ng sarili nilang followers ang dalawang Kapuso tween stars.
Ayon kay Elmo, ang pinaka-natutuwa sa pangyayaring ito ay ang fans nila ni Julie Anne.
"Kasi sila lagi yung nagre-request. So, parang nabigay na, gagawin po namin yung pinaka... alam n'yo yun, para magustuhan siya," sabi niya.
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Elmo sa grand presscon ng Tween Academy kaninang tanghali, August 18, sa SMDC Grand Showroom ng SM MOA Complex sa Pasay City.
GRATEFUL. Ano ang naging reaksiyon nila ni Julie Anne nang sabihan sila na magkakaroon na sila ng launching movie?
Ani Elmo, "Siyempre, kami, we're just really grateful na sunud-sunod yung blessings na nakukuha namin.
"At yun, kami, ever since naman, tulungan lang kami lagi and hindi naman namin ini-expect na ganito kabilis na magkakaroon kami ng own movie namin."
Biglaan ba yung naging decision ng GMA Films na magkaroon sila agad ng launching movie?
"Hindi ko po alam," sagot ng anak ng yumaong rapper-actor-TV host na si Francis Magalona.
"Siguro talagang pinag-isipan naman talaga nila kasi, di ba, matagal din namang hinihintay ng lahat ito?
"So, siguro pinag-isipan talaga nila kung kailan yung right time, tsaka kung kailan yung...




0

