Alden Richards now being groomed as next Kapuso leading man after rejection by two reality shows

Erwin Santiago
"Carpe diem!"
Thursday, August 18, 2011 @ 08:47PM  |  269 views

 

"Yung fame, if it's for you, it's for you, e. Kumbaga, hindi mo kailangan ng competition, hindi mo kailangan ng kaaway para sumikat. So, para sa akin, kung talagang if you're meant to be famous, then it will come. If not, then it's not for you," says Alden Richards.

Photo By: Noel Orsal













Sino nga ba naman ang mag-aakalang pagkatapos "ma-reject" sa dalawang reality shows sa dalawang higanteng TV networks ay kikilalanin ngayon bilang isa sa most promising young actors ng bansa si Alden Richards?

Unang sumubok sa pag-aartista si Alden nang mag-audition siya sa reality-based artista search ng GMA-7 na StarStruck Season 5.

Bagamat nakapasa siya sa audition ay hanggang sa Top 30 lang ang inabot niya at natanggal na siya.

Pagkatapos nito ay sinubukan din niyang mag-audition sa reality show naman ng ABS-CBN na Pinoy Big Brother Teen Edition, pero nabigo siyang makapasok sa Bahay ni Kuya.

REALITY SHOWS REJECT. Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Alden sa grand launch ng Tween Academy: Class of 2012—ang una niyang pelikula—kaninang tanghali, August 18, sa SMDC Grand Showroom sa SM MOA Complex, ay ikinuwento niya ang kanyang pinagdaanan bago niya narating ang pinakaaasam na kasikatan.

"I joined StarStruck, ang ganda ng pasok, e, Top 100," simula niya.

"Parang, wow, okay na 'to. We're on the right track.

"And then, slowly cut-cut, during the Top 30, dun na po ako nawala, e.

"So siyempre, very, very, very disappointed po talaga ako."

Ano sa palagay niya ang dahilan kung bakit siya natanggal sa puntong iyon ng competition?

"I don't know... maybe I was fat? Medyo mataba po ako noon... I have malaking stomach po... So, parang hindi okay sa screen.

"So, siguro naging isang factor 'yon 'tsaka medyo hilaw pa po... hilaw pa yung acting, dancing, singing.

"In short, hilaw pa po yung talent.

"So, talagang sobrang sama po ng loob ko noon kasi talagang I really had to stop schooling for that."

Pagkatapos nito ay sumunod naman niyang sinubukang mag-audition sa PBB Teen Edition ng ABS-CBN.

1  2  3  4  5  6  Next »

Related Articles

65 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name