Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang StarStruck V Ultimate Male Survivor na si Steven Silva sa taping ng huling episode ng Mind Master (second season) last Wednesday, August 18.
Isa si Steven sa mga guest noong episode na 'yon.
Madalas magkasama ngayon si Steven at ang batchmate niya sa StarStruck na si Diva Montelaba dahil pareho silang nasa cast ng GMA-7 primetime series na Time of My Life.
During StarStruck ay na-link sila. Ngayon ba ay may pag-asa na ma-rekindle o matuloy na ang naudlot nilang relasyon?
"Actually nung nag-start na kami mag-taping for Time of My Life, so minsan, you know, kapag wala kami eksena, we have time to talk, to bond.
"So far, ayun, parang steady pa rin kami.
"I mean, we're still close, we're still close naman," pahayag ni Steven.
Ano ang humahadlang at hindi pa matuluy-tuloy ang relasyon nila?
"A, kasi ano, e, as in before, dati pa, naka-focus lang talaga kami sa career and even more so, parang ngayon talaga...
"Ito ang big break namin, ang Time of My Life. 'Tsaka ano siya, primetime din.
"So, parang naka-focus talaga kami sa mga role namin sa Time of My Life."
Hindi ba inspirasyon nga iyon kapag in love sila sa isa't isa?
"I wouldn't say love, but I mean, siyempre, si Diva, close talaga kami.
"So, she really inspires me, siyempre.
"She helps me, you know, whenever nahihirapan ako sa script or sa mga scenes, I can always come to her for help."




CALLED OUT
ALL COMMENTS
11 drednot50yankee
10 drednot50yankee
9 critical_critic
8 soy_tu_duena
7 diwani
6 dyoy19
5 che_zhen
4 gorgeous_aleck
3 jagjof
2 kapams
1 angel25