"I'm happy na we're good friends. I'm really happy na nagkakakilala kami," says Xian Lim about comedian Vice Ganda, who has a crush on him.

Photo: Nerisa Almo

May intrigang masyado raw sinasakyan ng Kapamilya young actor na si Xian Lim ang pagkakaroon ng crush sa kanya ni Vice Ganda, to the point na may gamitan issue na diumano.

Pero ayon kay Xian, "Wala namang gamitan na nangyayari. As long as napapasaya namin ang mga tao, di ba?

"Tuwang-tuwa nga sila every time they see us together.

"Talagang yung Twitter ko, overloaded na yung mga messages, na they really show their love, yung happiness na nakukuha nila, talagang kinikilig sila.

"Yung isa nga, nakalagay, 'Grabe, pagod na pagod ako sa trabaho pero nakita ko kayong dalawa!'

"Tawa daw siya nang tawa. Nakakawala daw ng pagod.

"So, at least napasaya namin yung tao. So, walang gamitan na nangyayari."'

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Xian sa presscon ng My Binondo Girl ng ABS-CBN noong Tuesday, August 16, sa Golden Bay Restaurant, Macapagal Avenue.


JOKE ONLY. Ano ang comment niya na willing umano si Vice na magpaloko sa kanya, na parang pag humingi siya ng kotse ay baka ibigay sa kanya?

"Hindi naman, joke lang yun, joke lang yun!" tawa niya.

"I'm happy na we're good friends. I'm really happy na nagkakakilala kami."

What if umabot sa puntong hindi na joke?

"Uy, hindi, joke lang yun," ulit niya.

What if may ibang bading na seryosong mag-alok sa kanya ng kotse?

"You mean indecent proposal?" tanong niya.