Rachelle Ann Go talks candidly about how she recovered from breakup with John Prats

Rey Pumaloy
Friday, August 19, 2011 @ 10:56AM  |  237497 views

 

"Hindi ka na dapat mag-dwell sa past. Let it go. Move on. Ang ikli ng buhay, bakit mo palulungkutin yung sarili mo? Hindi ko nga ini-expect na magiging mabilis, e," says Rachelle Ann Go about how fast and easily she recovered from her breakup with John Prats.

Photo By: Jocelyn Jimenez













Nilinaw ni Rachelle Ann Go na coincidence lang na ang title ng kanyang bagong album ay Unbreakable. Wala raw kinalaman dito ang recent breakup nila ni John Prats.

Hindi lang Unbreakable ang title ng album kundi title din ito ng carrier single ni Rachelle.

Napansin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa album launch ni Rachelle sa Viva office kahapon, August 18, na parang sumasalamin sa personal life niya ang titulo ng album.

Na parang sinasabing hindi siya puwedeng "wasakin" nang hiwalayan siya ni John.

Pero ayon sa young singer, "Noong ni-record ko yung song, matagal na ito.

"May isa kasi akong song sa album na 'Unbreakable' na parang alternative. Ang gandang pakinggan.

"Sabi nga ni Tita Baby [Gil, Viva Records executive], 'Maganda 'yan, parang okey naman.'

"In fairness, parang sumakto talaga siya sa situation ko.

"Pero nagkataon lang talaga, hindi sinadya."

Ipinaliwanag ni Rachelle na kaya natagalan ang pagri-release ng bago niyang album ay dahil pumili pa sila ng mga magagandang awitin.

RACHELLE GOES SEXY. Kapansin-pansin ang cover photo ng album ni Rachelle, kung saan labas na ang cleavage niya. Bagay na ginagawan ng isyu na pagrerebelde diumano niya sa ex-boyfriend niya ang pagpapa-sexy niya ngayon.

"Sexy ba? Nagpapanggap lang ako!" biro naman ng singer.

"Sabi ko nga, parang ang lalim yata ng cut no'ng gown? Sabi naman nila, hindi naman.

"Sexy ba talaga? Parang hindi naman...

"Pero sakto lang naman 'yan, hanggang ganyan lang.

1  2  3  4  5  6  7  8  9  Next »

Related Articles

98 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name