"Kasi, alam ko naman po na someday puwede namang ipagpatuloy yung ano [panliligaw]. Pero, si Bea pa rin talaga. Ever since na nagkakilala kami, I like her na talaga," says Derrick Monasterio on sacrificing his feelings for Bea Binene for the sake of her loveteam with Jhake Vargas.

Photo: Noel Orsal

Maraming press ang humanga sa galing kumanta ni Derrick Monasterio sa grand presscon ng GMA Films movie na Tween Academy: Class of 2012 na ginanap kahapon, August 18, sa SMDC Grand Showroom sa MOA Complex, Pasay City.

Para sa kanyang solo performance ay isang Martin Nievera song, "Ikaw Ang Pangarap" ang kinanta ni Derrick na talagang pinalakpakan ng mga dumalo sa presscon.

Nag-duet din sila ni Kristoffer Martin para sa Bruno Mars original na "Lazy Song," na kasama sa soundtrack album ng Tween Academy movie.

Pagkatapos ng presscon ay tungkol sa pagkanta niya ang agad inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Derrick.

Masaya nga siya na na-appreciate ng mga press ang kanyang pagkanta.

"Siyempre, happy ako kasi nagustuhan n'yo ang pagkanta ko.

"Masarap sa pakiramdam marinig yung mga palakpakan ng mga press. Kasi iba pag galing sa mga press, e.

"Kasi ang mga press, critic din kayo, e. Sinasabi n'yo pag okay, o hindi okay ang kumakanta," sabi ni Derrick.

Isa nga si Derrick sa mga pambato ng Tween Academy pagdating sa kantahan.

Mas magagamit niya nga ang kanyang talento lalo na't in-announce na ng direktor nila na si Mark Reyes sa presscon ang tungkol sa Tween Academy: The Musical na Part 2 ng movie at ipalalabas next year.

Ano ang feeling na naipapakita na niya ngayon ang talent niya sa pagkanta?

"I feel fulfilled. Kasi siyempre, iba ang pay pag singer ka pa, di ba?" biro ni Derrick.

Totoo ba na kinukuha na siya ng Sony Music Philippines para maging recording artist?

"Hindi pa po sure. Pero totoo, may alok po," sagot niya.

Inamin naman ni Derrick na bata pa lang siya ay sumasali na siya sa singing contests.