Another Muhlach has joined showbiz. Ito'y walang iba kundi ang 14-year-old na si Yssa Alvarez.
Si Yssa ang panganay sa tatlong anak nila Almira Muhlach at Bong Alvarez.
Kaiba sa kanyang mommy na nasa linya ng pag-arte, pinasok ni Yssa ang mundo ng musika.
Isa siya sa mga ipinakilalang new artists ng Viva Talent Agency. Acoustic ang tema ng mga kanta sa kanyang debut album.
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng ibang entertainment press si Yssa noong August 18 sa presscon na naganap sa Viva Office sa Tektite Bldg., Ortigas, Pasig City.
Dito'y nabanggit niya na ang kanyang lolo na si Cheng Muhlach ang naghikayat sa kanya na mag-audition sa Viva.
Kwento niya, "Dinala po ako actually ng lolo ko dito kay Boss Vic [del Rosario], nag-audition po ako, then after a few days nag-sign po ako ng contract."
Thirteen years old daw siya nang pumirma ng kontrata under Viva, kaya naman medyo nahirapan siyang kumbinsihin ang kanyang magulang na payagan siyang pumasok sa showbiz.
"Siyempre nahirapan po ako!" bulalas niya.
"Kasi they really didn't want me to go into show business, e, kasi studies ko nga po maaapektuhan.
"Pero, I told them na I'm not gonna compromise [my studies.]
"So, they allowed me [when I said] I'm gonna be in school."
MIGRATING TO AUSTRALIA. Lumabas ang mga balita noon na nagbalak daw na mag-migrate ang pamilya ni Yssa sa Australia, ngunit hindi ito natuloy.
Isa sa mga sinasabing dahilan ay ang kasong isinampa ng reporter na si Gretchen Malalad laban sa kanyang amang si Bong Alavarez noong 2007.
Ayon kay Gretchen, sinaktan daw siya ng dating basketbolista matapos niyang subukan hingin ang panig nito tungkol sa ibinibintang sa kanyang pananakit ng isang taxi driver. (CLICK HERE for related article)




0

