When asked if he has moved on after his breakup with girlfriend Jennylyn Mercado, Dennis Trillo says: "Ayoko na lang pag-usapan 'yan. Ngayon ang gusto ko ay maka-partner ang iba. Ayokong ma-stuck sa isang kapareha lang."

Photo: Noel Orsal


After mabalita na tinanggihan daw ni Dennis Trillo na makasama sa isang proyekto ang ex-girlfriend na si Jennylyn Mercado, may bulung-bulungan na kahit naman daw ang aktres ay tumanggi rin na makatrabaho uli si Dennis.

Sa tinatakbo ng pangyayari, mukhang di pa talaga handa ang dating magkasintahan na magkita at magkasama sa isang trabaho.

Understandable naman daw ang sitwasyon kung saan hindi naging maganda ang paghihiwalay ni Jen at Dennis.   

Sa birthday party ni Mother Lily Monteverde last Friday, August 19, sa Imperial Palace Suites, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dennis at hiningan namin siya ng reaksyon sa bali-balitang kahit naman daw ang ex niya ay tinanggihan siyang makatrabaho.   

"Tinanggihan niya ba ako? Ewan ko, wala akong alam dun," sabi niya.

"Sa akin naman, walang problema kasi may mga trabaho naman ako.

"Actually, hindi ko nabalitaan 'yan. May ganyan bang balita?

"Baka siya ang tinanggihan ko, di ako ang tinanggihan niya."

Napapanood ngayon si Dennis sa afternoon soap na Sinner or Saint, samantalang si Jennylyn naman ay kasama sa cast ng early primetime series na Futbolilits.

Nangangahulugan ba ito na hindi pa siya bukas makatrabaho ang dating kasintahan?

"Ayoko na lang pag-usapan 'yan," iwas ni Dennis.

"Ngayon, ang gusto ko ay maka-partner ang iba. Ayokong ma-stuck sa isang kapareha lang.

"Kailangan mong mag-grow as an actor; di naman puwede na sa isang leading lady ka lang."

Masasabi ba niya na naka-move on na siya after the breakup?

"Alam mo, di ko nga naaalala 'yan until binanggit mo sa akin. Masaya ako, sobrang saya ko," saad ng aktor.