news

Derrick Monasterio overwhelmed with his first movie: "Hindi pa rin ako makapaniwala na napapanood ko na ang sarili ko sa malaking screen."

by Ruel J. Mendoza posted on August 21, 2011  STATS: 11114 Views | 16 Comments

Derrick Monasterio is the son of '70s leading lady of action stars, Tina Monasterio. His mom, who attended the premiere night, almost cried when she saw that her son had so many fans.

 

Photo By: Noel Orsal

Sobra-sobra ang kasiyahan ni Derrick Monasterio dahil sa success ng premiere ng pelikula nila ng mga tween stars na Tween Academy: Class of 2012 na ginanap Saturday night (August 20) sa Cinema 9 and 10 ng SM Megamall.     

Nagulat si Derrick sa malaking crowd ng mga kapwa nilang teenagers na dumagsa sa Cinema 9 and 10 para lang mapanood sila. Hindi  makapaniwala ang tween actor na meron na siyang mga fans at nagsisigawan sila tuwing pinapakita ang mukha niya sa big screen.

"Nag-aasaran nga po kami sa taas. Tuwing may lalabas na isa sa amin sa screen, naghihiyawan din kami kasabay ng mga fans," ngiti pa ni Derrick.    

"Very special po kasi ang movie na ito for me, kasi first movie ko ito since I entered showbiz last year. Hindi ko naman po alam na aabot sa ganitong level.     

"Akala ko po hanggang TV lang ako with Tween Hearts. Nagkaroon pa ako ng ibang show tulad ng Dwarfina at Sinner or Saint. Ngayon nakasama pa ako sa movie naming mga tweens at nagkaroon pa ako ng participation sa soundtrack ng movie.     

"Kaya nakaka-overwhelm. Hindi ko po inaasahan na aabot sa ganito. Hindi pa rin ako makapaniwala na napapanood ko na ang sarili ko sa malaking screen. Artista na nga ako!"     

Hindi kaila sa lahat na anak si Derrick ng '70s leading lady ng mga action stars na si Tina Monasterio. Nakapareha ng kanyang ina noon ay ang mga sikat na action stars tulad nila Fernando Poe Jr., Rey Malonzo at Lito Lapid.     

Present  ang ina ni Derrick sa premiere night at kinuwento nito na halos maiyak raw ang ina nang makita niyang maraming fans ang kanyang anak.     

"Si mommy po kasi, hindi siya nabigyan ng big break noon. Lagi niyang kinukuwento na lagi lang siyang leading lady ng mga action stars, pero hindi siya nabigyan ng chance na magbida sa sarili niyang movie.     

"Kaya lagi niyang sinasabi sa akin na husayan ko raw dahil masuwerte ako. Marami raw ang gustong mag-artista pero kakaunti lang ang nakakapasa. Nandito na raw ako kaya huwag akong gagawa ng anumang bagay na ikakasira ng pangalan ko.     

"Promise ko naman kay mommy na I will do my best. Hindi naman ako nagmamadali, pero ayokong maging sakit ako ng ulo ng mga nakakatrabaho ko. I want them to see me as a professional actor. Yun ang turo sa akin ng mommy ko kaya iyon ang gagawin ko," diin niya.   

MAMA'S BOY. Inamin ni Derrick na isa siyang mama's boy. Spoiled daw siya sa kanyang mommy. Pero ngayon ay gusto raw niyang maiba iyon dahil malaki na raw siya at hindi na baby.     

"Si mommy po kasi, gusto niyang bine-baby ako. Kahit na ganito na ako kalaki, tingin pa rin niya baby ako," sabay tawa ng aktor.

"Malambing din po si mommy at nami-miss niya yung kaming dalawa lang minsan. Busy na rin po kasi ako kaya madalas wala ako sa bahay at gabi na ako nakakauwi.     

"Tuwing umaga, siya ang gigising sa akin. Para nga akong bata. Sinasabi ko naman sa kanya na huwag na niya akong i-treat na parang baby kasi binata na ako.

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

16 Comments

  • 16  ding12

    08/23/2011 | 02:17 PM
    gwapo mo derik...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  champion_0105

    08/23/2011 | 01:03 PM
    Go Derrick!!! Sana Marming beses ang pag kanta mo sa Party Pilipinas!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  ker_ker

    08/23/2011 | 01:57 AM
    Bongga ang Way Back Home. My international screenings.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  thelastpepbender

    08/22/2011 | 10:52 PM
    may potential to kasi MATANGKAD saka marunong pa kumanta! pag gumanda katawan nito at nagka abs malamang maging NEXT HUNK to ng GMA 7!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  MRpandak

    08/22/2011 | 02:43 PM
    wag kalimutan mag off lotion at magdala ng katol, for sure lalamukin toh...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  angel25

    08/22/2011 | 06:27 AM
    gwapo nita, lumaki pa ng konti. antayin kita Derrick, wag sana lalaki ang ulo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  beybong

    08/22/2011 | 02:50 AM
    bata pa lang kaya ay kilala na si Richard. 7 or 8 yrs pls pa lang sila ni Raymond ay kilala na sila dahil may commercials at pelikula na sila na sila mismo ang bida! Cute ng Kambal Tuko! hehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • oskieness

    08/21/2011 | 10:26 PM
    CONGRATS TWEEN STARS...THE NEXT BIG STARS....GENERATION...NAALALA KO tuloy ung TGIS AT UNG click KUNG SAN NAKILALA sina richard at angel....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • brattinela

    08/21/2011 | 09:50 PM
    gwapo rin si derrick lalo na personally ang tangkad pati si kris martin talented din sila
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • wanados

    08/21/2011 | 09:28 PM
    sasabihin ng kapamilya 21 millions first day ng way back home box office hits.....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • suntoksabuwan

    08/21/2011 | 08:55 PM
    sobrang strong ng register mo sa camera, di kaaya aya. learn to tame your face in front of the camera. panoorin mo uli sarili mo sa PP episode kanina.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • shery

    08/21/2011 | 08:27 PM
    sa lahat ng tweenstars si derrick ang pinaka gwapo .. matangkad pa .. gwapo rin si kristopher martin .. magaling pang umarte
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • commentirador01

    08/21/2011 | 07:15 PM
    ito ang mga dinidevelop ng GMA ngayon.goodluck sa movie. congrats
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Starngsuperstar

    08/21/2011 | 06:26 PM
    hindi raw sya makapaniwala na nakikita nya ang sarili sa pelikula at tv na umaakting...ako rin kaya noh? hindi rin makapaniwala!..hihihi
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • merlion_25

    08/21/2011 | 06:00 PM
    At magpapa press release agad ang Star Magikero ng OUT OF THIS WORLD first week gross ng movie ek ek nila. LOL! Congrats sa lahat ng tweens. Tween Academy 2012, sana magkaroon din ng int'l screening sa Singapore.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • BERNARD2010

    08/21/2011 | 05:45 PM
    Congrats sa very successful premiere nang Tween Academy 2012.Astig at sikat na sikat na nga kayo.It will gonna be a box office since very light at nakaka relate talaga ang istorya nang movie sa mga teens!!Teka ano n palang nangyari sa movie nang kabila?Siguro ang daming traysikel na nagra-round trip sa loob nang sinehan pa Way Back Home.Langaw???
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About