"Papasok na ako, siyempre hindi naman siya puwedeng pumasok. Doon siya bumigay. Talagang bumigay na rin ako. Ayaw niyang umalis. Tapos hinatid pa niya ako hanggang doon sa loob ng airport," says Ian de Leon on how he and mom Nora Aunor parted sadly before.

Photo: Noel Orsal

Hindi na big deal kay Ian de Leon kahit second choice lang siya sa role niya bilang Zaldy sa upcoming mini-series ng TV5, ang Sa Ngalan ng Ina. Makakasama niya rito ang kanyang mga magulang na sina Superstar Nora Aunor at Drama King Christopher de Leon.

Ang importante raw ay nagkaroon sila ng pagkakataon na magkasama-sama ulit sa isang proyekto bilang isang pamilya.

Originally kasi ay kay Ryan Agoncillo dapat ang role na napunta kay Ian. Pero dahil sa sobrang busy ng schedule ni Ryan ay hindi na niya natanggap pa ang mini-series na ito.

Kaya naman in a way ay nagpapasalamat din si Ian kay Ryan na hindi nito tinanggap ang role.

"Thankful na rin siguro ako. At saka second choice, third choice, last choice [man ako], ang mahalaga may trabaho ako.

"Ang pinakaimportante pa rito ay nakasama ko pa ang parents ko. Kay Ryan, thank you so much," sabi ni Ian.

Isa lamang ito sa mga intrigang sinagot ni Ian sa kanyang live guesting kahapon, August 21, sa Presscon Express segment ng showbiz talk show ng TV5, ang Paparazzi Showbiz Exposed.

Matapang din niyang hinarap ang iba pang tanong sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press.

FAMILY REUNION. Matagal na panahon na rin no'ng huling magsama sa isang pelikula sina Ian, Ate Guy, at Boyet. Sampung taon gulang pa si Ian nang gawin nila ang I Love You Mama, I Love You Papa.

Sa nakaraang story conference nga ng Sa Ngalan ng Ina last week sila nagkita ulit tatlo. Paano niya ilalarawan ang kanilang muling pagkikita?

"Well, noong una ngang nagsama-sama ulit kami last Tuesday [August 16], unang feeling ko excited ako, e.

"Alam mo yung parang eclipse na once in a blue moon lang nangyayari?" ani Ian.

Kumusta naman ang mama at papa niya?

"Okay naman, nag-uusap naman sila. Ang usapan nila parang bumubulong. Parang gusto kong gumanun, e [makinig sa usapan nila].

"Pero nung makita ko yung moment na yun, wow, what a sight to behold talaga! Nung huli kong makita yun [bulungan], maliit pa ako."