Natapos na noong Miyerkules, August 17, ang rehabilitation program na boluntaryong kinuha ni Baron Geisler.
Anim na buwan at tatlong linggo ring sumailalim ang aktor sa naturang programa.
Pero ayon kay Baron, "bitin" pa ang panahong inilagi niya sa loob ng Penuel House.
"Feeling ko bitin, e. Parang ayokong lokohin ang sarili ko, kasi nasubukan ko nang maging ipokrito dati.
"So, parang dito, I really want to change and it's a process hanggang... kahit paglabas ko," pahayag ni Baron sa interview sa kanya ng StarTalk TX host na si Ricky Lo.
Ayon naman sa ina ni Baron na si Mrs. Grace Geisler, todo ang suporta nila sa aktor sa panahong nasa loob ito ng rehab.
Sabi ni Mrs. Geisler, "Ako, every day, kung ano ang kailangan, nandiyan.
"Pag family day, nandito ang mga family kahit malalayo yung mga kapatid niya, from Pampanga, nandito lahat.
"Available ako twenty-four hours. Parang hindi rin siya nawala sa bahay."
Ano ang feeling ni Baron ngayong "malaya" na siya?
"Actually, the truth, may konting separation anxiety ako, e. Medyo na-attached talaga ako sa place na ito, e," sagot niya.
Nakapag-soul searching ba siya? Na-realize ba niya kung ano ang ugat ng mga problema niya?
"Unang-una, I was selfish siguro and ang dami kong mga kasalanan and ang daming pride," sabi niya.
CHERRY PIE & YASMIEN. Sa isang interview ay sinabi ni Cherry Pie Picache na okey umano sa kanya na makatrabaho muli si Baron. Isa ang aktres sa mga na-harass umano ni Baron noon.
"I really hope to work with her again, show her a different side naman siguro," sinabi ni Baron.




0

