Dennis Trillo admits cheating on a girl before; explains context of his remark about working with Jennylyn Mercado

Rommel Placente
Tuesday, August 23, 2011 @ 04:42PM  |  45710 views

 

"Na-trauma? Ayoko namang sabihing na-trauma. Gusto ko lang munang magpahinga dahil parang... medyo hindi rin maganda yung mga nangyari. Kaya minabuti kong maging tahimik, maging masaya muna for a while. And i-enjoy ko muna yung oras ko para sa sarili ko," says Dennis Trillo when asked if he was traumatized by his relationship with Jennylyn Mercado.

Photo By: Noel Orsal













Sexy-drama ang tema ng latest movie ng aktor na si Dennis Trillo mula sa Regal Entertainment, ang My Neighbor's Wife.

Gumaganap siya rito bilang mister ni Lovi Poe. Pero magkakaroon din siya ng kaugnayan kay Carla Abellana, na gumaganap naman bilang asawa ni Jake Cuenca sa pelikula.

Kung halimbawang may asawa na si Dennis at sakaling mangyari sa kanya sa tunay na buhay ang kanyang role sa My Neighbor's Wife, paano kaya niya ito iha-handle?

"Itong pelikulang My Neighbor's Wife, ipinapakita rito kung gaano kahalaga yung bond na binubuo ng kasal.

"At kung ano ang mangyayari, mga kumplikasyon kapag mayroon kang nilabag sa isa sa mga batas dito.

"So, ang bawat isa po sa mga characters namin dito, talagang napakahirap ng mga pinagdaanan.

"So, kung mangyayari sa akin yung mga nangyari mismo dun sa character ko, sa tingin ko, mahihirapan talaga ako dahil, palagay ko, pag ikinasal na, ano na yun, e, kumbaga, permanente na yun, e.

"E, dito pa nga lang sa mga relasyon ko na hindi pa ako kasal, marami na akong problema.

"So, lalo na siguro pag ikinasal  pa ako, talagang mahihirapan ako," saad ni Dennis nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press sa presscon ng My Neighbor's Wife kagabi, August 22, sa Imperial Palace Suites sa Tomas Morato, Quezon City.

Sa pelikula ay nagawang pagtaksilan ni Dennis si Lovi. Sa totoong buhay din ba ay nagawa na rin niyang magtaksil sa nakarelasyon niya?

"Dumating na rin yun sa akin na nag-cheat ako," pag-amin ni Dennis

"Pero sa ginawa kong yun ay may natutunan ako at hindi ko na ulit ginawa pa."

Ang karamihan ng nakarelasyon ni Dennis ay pawang mga artista—sina Cristine Reyes, Carlene Aguilar, Pauleen Luna, at Jennylyn Mercado.

Isa ba sa mga ito ang nagawa niyang pagtaksilan?

"Ayoko na lang idetalye kung ano man yung ginawa ko na yun," iwas ni Dennis.

1  2  3  4  Next »

Related Articles

60 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name