My Neighbor's Wife star Carla Abellana gets a mouthful from veteran showbiz columnist Mario E. Bautista last night at the movie's press conference.

Photo: Noel B. Orsal

Mainit ang naging takbo ng diskusyon kagabi, August 22, sa presscon ng My Neighbor's Wife sa Imperial Palace Suites sa Tomas Morato, Quezon City.

Matapos kasi ang mga pagtatanong tungkol sa mga maiinit na eksena ng stars ng pelikula na sina Carla Abellana, Lovi Poe, Dennis Trillo, at Jake Cuenca, uminit ang presscon dahil sa tensyon na dulot ng pagpapalitan ng salita ni Carla at ng beteranong showbiz writer at columnist na si Mario E. Bautista.

Pangalawa sa huling magtatanong sana si Mario at magtatanong din sa iba pang stars ng pelikula ng Regal Films, pero inuna niya si Carla.

Una muna'y tinanong nito si Carla kung may gusto raw ba itong sabihin sa kanya.

"Hi, oo. Na hindi n'yo pa po ako nai-interview. Tapos may lumabas na article... So, 'eto na po," sagot ni Carla.

Tinanong ng beteranong showbiz writer kung nabasa na ba ni Carla ang e-mail naman niya sa dalaga na sinagot naman nito ng "Hindi pa."

Tila hindi nagustuhan ni Mario ang sagot ni Carla kaya sinabi nito na sasabihin na lang niya kung ano ang in-email niya rito.

"What I said was I used to be fond of you. When you signed up with Regal, I was there.

"And I think I was the first one who wrote a full article on you ever since you started," sabi ni Mario.

Binanggit din ni Mario kung gaanong sinuportahan niya ang naging takbo ng career ni Carla base sa performances nito sa mga proyektong nagawa na nito mula sa Rosalinda hanggang sa "Funeraria" episode ng aktres sa Shake Rattle & Roll X.

Sabi ni Carla, very thankful daw siya sa mga ginawang ito ni Mario.

Nagprotesta naman si Mario sa sinabing ito ni Carla, "No. You didn't say that. Not once did you acknowledge that I wrote anything positive about you!"

Nangatwiran naman si Carla na very positive naman daw ang article na isinulat ni Mario tungkol sa kanya. Kaya nga lang ay di pa raw sila nagkakausap uli ni Mario, therefore, wala silang interview na basehan ng article na inilabas.

"You quoted me po, when in fact, you haven't interviewed me," sabi ni Carla.

Pero agad siyang binara ni Mario.