"Kasi, hindi na siya puwedeng i-open. Nakadalawang beses na siyang i-open heart surgery. The first one was just an open heart surgery, the second one was a triple bypass naman," says Claudine on why her dad can't have heart surgery anymore.

Photo: Paulo Fernandez

Ang Optimum Star na si Claudine Barretto ang sumalang sa "Don't Lie To Me" segment ng Showbiz Central hosted by John "Sweet" Lapus noong Linggo, August 21.

Puspusan ang acting workshop ni Claudine kay Beverly Vergel sa pagsabak niya sa taping ng Iglot, at marami ang na-impress sa mga bagong ipinakitang akting ni Claudine sa upcoming fantasy series ng GMA-7.

SHE'S INTIMIDATING. Ang unang tanong kay Claudine ay kung totoong nai-intimidate daw sa kanya ang co-stars niya sa Iglot tuwing nakakaeksena siya.

"Yes" ang sagot ni Claudine at "Truth" ang resulta nito sa truth verifier machine.

Sa palagay niya, bakit nai-intimidate ang mga co-stars niya sa kanya?

"A, kasi nung bago kami nag-start [mag-taping], nagkaroon ng acting workshop under coach Beverly Vergel rin.

"And sinabi nila na ninenerbiyos daw sila na makasama ako at makatrabaho. Dahil for a long time, na yung mga oras na hindi ako nakapag-taping, medyo matagal-tagal na rin yun.

"Talagang inilaan ko yung oras ko sa workshops, sa acting workshops."

Mga kaibigan niya ang mga kasama niya sa Iglot. Sina Jolina Magdangal, Marvin Agustin, Luis Alandy, at Patrick Garcia.

"At siyempre, nandiyan sina Miss Celia Rodriguez," dagdag ni Claudine.

"Pero, talagang ayoko talagang tumigil sa pag-aaral. Kasi acting is a process and under Ms. Beverly Vergel, talagang ang dami ko pang natutunan.

"Next level na 'to."

KISSING SCENE WITH MARVIN. Ang sumunod na tanong kay Claudine ay kung totoong natulala si Jolina sa kissing scene nina Claudine at Marvin sa Iglot?

"No" ang sagot ni Claudine at "Truth" din ang naging resulta ng kanyang sagot.