Diether Ocampo on unending question about his lovelife: "I'm taking my time. I'm not in a rush."

Interview: Demelyn Granali/ Text:Jocelyn Jimenez
Tuesday, August 23, 2011 @ 06:03PM  |  9056 views

 

Masaya raw ang aktor na si Diether Ocampo sa takbo ng kanyang career sa ngayon. Bunga na rin ng kanyang busy work schedule, sinabi nitong hindi pa siguro oras para magkaroon siya ng nobya. "I guess it's not the perfect time for me to get involved with someone," sabi ng aktor.

Photo By: Noel Orsal













Maganda ang takbo ng career ng aktor na si Diether Ocampo. Bukod sa kanyang currently airing show na Guns and Roses, naging successful din ang kinabibilangan niyang independent film na RakenRol.

Kaya naman ang tanong ng lahat, paano naman ang lovelife niya?

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang entertainment press si Diether noong Sabado, August 20, sa presscon ng Pizza Hut sa Ali Mall store branch sa Cubao, Quezon City.

Dito'y sinabi ni Diet (palayaw ni Diether) na sa ngayon, wala siyang panahon para sa lovelife.

Nangingiting sinabi ni Diether, "Ganun talaga, pasensiya na ho.

"Kasi, pinag-iipunan ko ho yung bahay kung saan titira yung ano, yung kung sino man ang ipagkakaloob sa akin ng Diyos."

WORK SCHEDULE. Ilan na rin ang naging karelasyon ni Diether.

Isa'y ang dati niyang girlfriend na si Kristine Hermosa, na ngayo'y kasal na sa aktor na si Oyo Sotto.

Ang pinakahuli naman'y ang half-Syrian print model na si Rima Ostwani.

Sa naging interview ng aktor sa The Buzz noong nakaraang taon, sinabi nitong tila nahirapan siyang balansehin ang relasyon nila ni Rima at ang trabaho niya. (CLICK HERE for related article.)

Kaya naman hindi nakapagtataka nang sabihin ni Diether na isang dahilan kung bakit wala pa siyang lovelife ngayon ay kanyang busy work schedule.

Kuwento niya, "Katunayan, kakatapos lang namin mag-shoot ng umaga. So, sa mga ganitong klaseng sitwasyon, e, mahirap naman maging unfair.

"So, I guess it's not the perfect time for me to get involved with someone."

Pero pag-amin niya, "You know, it's also nice to have an inspiration. I would like to have someone right there na I can talk to, or willing to motivate me to work harder.

"So, kailangan natin ng babae na magbibigay sa atin ng magandang direksyon, dahil minsan pag puro trabaho, hindi rin okey, di ba?

1  2  3  Next »

Related Articles

12 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name