Diego Loyzaga denies rumored rift with dad Cesar Montano; explains why he moved out of his father's house

Melba Llanera
Wednesday, August 24, 2011 @ 11:40AM  |  39316 views

 

"Alam mo, kung mapaparinig lang namin kung paano yung conversation namin every day, how we talk to each other, dun lang sila maniniwala na okay talaga kami. Pero hindi naman yun puwede. Kahit naman ano ang mangyari, may masasabi pa rin ang iba na hindi kami okay. Bahala na sila, basta kami we're okay," says Diego Loyzaga about his dad Cesar Montano.

Photo By: Noel Orsal













Aminado si Diego Loyzaga na nakatulong nang malaki ang pagkakaroon niya ng mga magulang na artista—sina Cesar Montano at Teresa Loyzaga.

Pero tila ito rin ang naging rason kung bakit kahit kasisimula pa lang niya sa showbiz ay paborito na siyang pukulin ng mga intriga.

Nandiyan ang di mamatay-matay na balita na may alitan daw sila ng kanyang ama kung kaya't umalis siya sa poder nito, at kasalukuyang nakatira sa bahay ng kanyang tiyahing si Bing Loyzaga.  

May kuwento rin na ang ina raw ni Diego ang pursigido talagang pag-artistahin siya, na tinututulan naman daw ng kanyang ama kung kaya't nag-away raw ang kanyang mga magulang. 

Ilan lamang ito sa mga intriga na isa-isang sinagot ni Diego nang ma-interview siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kagabi, August 23, sa presscon ng upcoming teen-oriented show ng ABS-CBN na Growing Up.

JOINING SHOWBIZ. Unang sinagot ni Diego ang tungkol sa hindi raw pabor ang amang si Cesar Montano sa pagpasok niya sa showbiz.

"Para lang pinalaki ng ibang tao ang issues namin, e. Sa totoo lang, ang liit-liit na bagay na pinalaki na dinagdagan pa.

"Pumayag naman siya nang mag-showbiz ako and, actually, very supportive siya.

"Hindi naman sa ayaw niya akong pumasok sa showbiz, ang gusto niya kasi mag-workshop daw muna ako bago mag-Mara Clara.

"Wala na naman kaming magagawa, tapos na yun, lumipas na yun at natuto ako sa ginawa ko sa Mara Clara, in a progressive way, it made me better."

Dagdag pa ng newbie actor, "My dad bought me a car at talagang nagpapasalamat ako na hindi na ako nahihirapang pumunta sa set.

"Salamat, Dad, I love you."

Pinabulaanan din ni Diego ang balitang nagpabili siya ng condo unit sa kanyang ama.

"Nagkaroon din ng condo issue... never akong nanghingi ng condo sa tatay ko.

"Tapos may kabastusan pa na nasama, pero hindi yun totoo.  

1  2  3  4  5  6  Next »

Related Articles

15 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name