[x]

 

Gabby Eigenmann gives his all-out support to the pregnancy of his sister  Andi Eignemann. As well, he's happy with how her relationship with Jake Ejercito is going. In a brotherly message Gabby says to Jake, "We're here also [for you]. Just continue loving my sister, and we won't have a problem."

Photo: Noel Orsal

Masayang-masaya si Gabby Eigenmann na magtatagal pa ang GMA-7 primetime show na Munting Heredera.

Kagabi, August 23, dumalo siya sa thanksgiving mass ng naturang show sa 17th floor ng GMA Network Center sa Timog Ave., Quezon City.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Gabby.

ANDI'S PREGNANCY. Kinumusta namin ang kanyang kapatid na si Andi Eigenmann, na nasa ika-anim na buwan na ng kanyang pagbubuntis.

"Okey naman," bulalas niya.

"She's waiting for her baby. It will be sometime November.

"Okey naman siya, excited," sabi niya.

Hangga't maaari raw ay madalas nilang dalawin si Andi sa bahay nito.

Very healthy naman daw ngayon at halatang-halata na ang baby bump ng nakababatang kapatid.

"She didn't grow as much as we expect," sabi ni Gabby.

"Pero, although prominent na yung tiyan niya, makikita mo na happy naman siya, jolly naman siya, hindi naman siya irritable."

Dagdag pa niya, wala naman daw cravings si Andi, maliban lang sa mahilig ito sa sweets.

"She likes sweets," nakangiting sabi ni Gabby.

"Pero nako-conscious pa din siya, feeling niya pag kumain siya lumalaki lalo siya.