Nagbabalik si Patrick Garcia mula sa matagal niyang pagbakasyon mula sa paglabas sa mga television series via GMA-7's latest telefantasya, Iglot.
Ang huling serye na ginawa ni Patrick ay ang Full House with Richard Gutiererz and Heart Evangelista noong 2009, at pagkatapos no'n ay hindi muna siya tumanggap ng panibagong show.
Inamin ni Patrick sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na marami siyang tinanggihang offers mula sa GMA-7 dahil marami siyang mga inaasikaso noon.
Ngayon ay ready na siya to work again at ipinagdasal nga raw niya na sana ay marunong pa siyang umarte.
"Yun nga ang kinakatakot ko, e. Baka hindi na ako marunong umarte dahil sa tagal kong hindi tumanggap ng trabaho!" natatawang sabi niya sa presscon ng Iglot kagabi, August 23.
"Before kasi, I was supposed to do a series with Jennylyn [Mercado, his ex-girlfriend]. Pero that time ay kaka-patch up lang ng differences namin.
"Gusto ko rin na magkaroon muna kami ng space ni Jen before we start working again. Baka kasi sabihin nila for publicity lang ang lahat.
"Now, I can freely work with Jen kasi maayos na maayos na kami. We're good friends now and everything is okay with both our families.
"Pero may ibang show si Jen [Futbolilits] and I'm with another. But we will be working again soon."
Dumaan daw ulit si Patrick sa isang acting workshop para masanay siya ulit sa pag-arte.
"Before we started taping for Iglot, we had an acting workshop under kay Ms. Beverly Vergel na naging malaking tulong sa akin. Na-refresh ulit ako sa mga acting exercises.
"Kaya when we started taping for Iglot, okey na ako at hindi na ako naiilang umarte sa harap ng kamera.
"Feeling ko nga, parang baguhan na naman ako. Matagal din kasi akong hindi nakaarte, e.
"But when we started taping, nasanay ulit ako.
"Na-miss ko rin ang umarte talaga," saad niya.




0

