"Basta ako, kung saan sila mas masaya. Hindi ako nakialam kahit kailan sa relationship ng brother ko. I would always want to be friends with the exes, magkatuluyan man o hindi. Ayaw kong masira yung pagkakaibigan ko na 'yon sa mga naging girlfriend ng kapatid ko. So, I really don't want to meddle with his relationships," says Camille Prats.

Photo: Noel Orsal

Isang bagong challenge daw para kay Camille Prats at sa buong team ng Munting Heredera ang ten weeks extension nito.

Noong Martes ng gabi, August 23, ay isang thanksgiving mass ang ginanap para sa tagumpay ng primetime series na ito ng Kapuso network sa 17th floor ng GMA Network Center sa Timog Ave., Quezon City.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Camille, sinabi nitong challenging pero more of a blessing ang extension na ito ng kanilang palabas.

"It's really a challenge," pag-amin ng aktres.

Pero giit niya, "But more than that, we see it as a blessing. Kasi, we came this far, we worked as a family, it's a teamwork from the writers to the production staff, to the people behind the camera, to the actors and actresses.

"So, parang alam naman namin na iisa yung aim namin, iisa yung goal namin—ang mapasaya ang bawat manonood, ang mag-enjoy sila, ang mabigyan sila ng magandang kuwento na kakapitan nila gabi-gabi.

"And in knowing that, masaya na kami dun."

RACHELLE-JOHN BREAKUP. Samantala, naging tahimik si Camille sa kabila ng mga balitang lumabas tungkol sa hiwalayan ng kapatid niyang si John Prats at ng dating nobya nitong si Rachelle Ann Go.

Maaalalang sa show ni John Prats na Happy Yipee Yehey! ay sinabi nitong single na siya, na ang ibig sabihin ay break na sila ni Rachelle. (CLICK HERE for related article.)

Personal choice daw ni Camille na manatiling tahimik matapos ang pagputok ng balitang ito.

"Well, para sa akin, like I've said before, ayoko talagang mag-comment regarding that because I am not in the position to say anything about it," pahayag niya.

"The relationship is between the both of them, even me as John's sister, di ko din alam kung ano yung pinanggalingan, kung ano yung naging cause nung breakup."

Dagdag pa ni Camille, iniiwasan niya rin magkomento dahil gusto niyang mapanatili ang nasimulan niyang friendship sa mga nakakarelasyon ni John.

Aniya, "Basta ako, kung saan sila mas masaya. Hindi ako nakialam kahit kailan sa relationship ng brother ko.

"I would always want to be friends with the exes, magkatuluyan man o hindi.