Bago pinasok ng baguhang young actor na si Diego Loyzaga ang showbiz ay binigyan daw muna siya ng advice para sa kanyang career ng inang si Teresa Loyzaga, dating aktres at singer.
Sobrang dami nga raw ng advice nito sa kanya.
"Isang book ito. Isang makapal na book na parang novel ito!"natatawang sabi ni Diego nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press sa presscon ng Growing Up, ang bagong teen-oriented show ng ABS-CBN.
Anong hindi niya malilimutan na advice ng kanyang mommy?
"A, yung be careful lang po. Paano ko ba sasabihin ito? Basta ang sabi niya po, mag-ingat ako.
"Kasi, kung ako raw po ay hindi umiinom [ng alak], tapos may kasama akong mga barkda na umiinom, kung may makakakita raw, iisipin na umiinom din ako. Ganyan, ganyan.
"Lahat ng pinagdaanan ni Mommy nung nasa showbiz pa siya, lahat 'yan sinabi niya sa akin.
"At sinabi niya, 'Huwag mong gawin ito. 'Ako natuto na ako rito. Ngayon, ikaw, it's your turn naman,'" sabi pa raw ng kanyang mommy.
"Pero, of course naman, as ano, hindi naman ako hard-headed as a child.
"Pero, of course naman as a teenager, I say to her, 'Mom naman... I mean, we all go through this, di ba? So, dapat ako rin maranasan ko in my own way.'
"'Alam ko na sinasabi mo sa akin. Pero naman, kahit ilang beses mong ulit-ulitin sa akin, hindi pa rin ano... maiiwasan. Pagdadaanan ko pa rin. So, parang ano [tanggapin na natin].'
"Pero salamat na lang at binibigyan niya ako ng advice. At araw-araw itong advice na ito.
"Siguradong pag-check ko ng phone ko mamaya, 'Ano, kamusta na? Ano, sumagot ka ba ng tama?' Ganyan, ganyan.
"Ganyan po talaga yung mommy ko po. She's always checking on me. So every day, laging may advice.
"Hindi ko na maisip kung anong mero'n sa book na yun na puwede kong sabihin dito.




0

