news

Martin Escudero on gay kissing scene: "Siyempre, pareho kaming lalaki tapos maghahalikan? Kaya talagang nakakailang."

by Rommel Placente posted on August 25, 2011  STATS: 10506 Views | 8 Comments

 

"Sa tingin ko kasi ano... hindi ko siya tineyk na loko o ano. Siyempre siniseryoso ko. Talagang isinasapuso ko yung ginawa ko," says Martin Escudero about playing a gay role in Zombadings: Patayin sa Shokot si Remington.

Photo By: Noel Orsal

Si Martin Escudero ang lead actor sa critically-acclaimed indie film na Zombadings: Patayin sa Shokot si Remington.

Nag-auditon si Martin para sa role at pinalad na siya ang mapili.

Kuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Nung nag-audition ako, patapos na yung mga araw ng audition nila. Parang humabol na lang ako. 

"Sinuwerte naman na ako yung napili."

Nakausap ng PEP si Martin sa mini-presscon ng Zombadings noong Lunes, August 23, sa Baang Coffee sa Tomas Morato, Quezon City.

Ano ang pinagawa sa kanya sa audition?

"Merong dalawang eksena... Isa yung lalaki pa si Remington [name of his character], tapos yung isa, yung bading na si Remington," sagot niya.

Sa mga nakapanod na ng pelikula, maraming nagsasabi na mahusay ang pagkakaganap ni Martin bilang isang bading. Parang hindi nga raw siya umaarte at para siyang tunay na bading.

"Sa tingin ko kasi ano... hindi ko siya tineyk na loko o ano. Siyempre siniseryoso ko. Talagang isinasapuso ko yung ginawa ko," paliwanag naman niya.

Paano ba niya pinaghandaan ang role niya sa pelikula?

"Bago ko pa ginawa yung pelikula, may mga napapanood na akong mga artista na naggi-gay [role].

"Tulad kay Tito Dick [Roderick Paulate], napanood ko yung movie niyang Bala at Lipstick na gay siya doon.

"Tapos sa foreign naman, napanood ko yung Birdcage," sabi niya.

Graded A ng Cinema Evaluation Board ang Zombadings. Ibig sabihin, maganda ang pagkakagawa sa pelikula.

Siyempre pa, happy si Martin sa magandang reviews sa pelikulang pinagbibidahan niya.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

8 Comments

  • napazu7

    08/26/2011 | 10:21 PM
    lalaking-lalaki si Mart Escudero kaya nga tinaggap nya ung role e. Pag inoffer yan kna Piolo or Enchong, tatanggihan nila yan for sure hehheheeh
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • thirstytrooper

    08/26/2011 | 04:37 PM
    hindi badish si mart... magaling lang talaga ang pagkakaganap niya as Remington sa pelikula... napanood ko na ang movie at tunay ngang nakakaaliw at may aral ang pelikula... no wonder, ito ay GRADED A!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • patrick2010

    08/26/2011 | 01:56 AM
    Bakit kaya hindi yung lead ng "Pagdadalaga ni Maximo Oliveros" ang kinuha na lead actor sa pelikulang ito. Hindi kaya talagang gay na yung batang yun? It seems sa interview na umaarte lang na gay si Remington opps si Martin Escudero. Pero may mga gay dito na naaamoy ang mga kalahi niya, hahaha!, di ba, Budingbuding? So ano, gay ba talaga si Escudero sa totoong buhay?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Deane_2005

    08/25/2011 | 11:57 PM
    In fairness ke Martin mas gumaling sya sa aktingan ngaun
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Budingbuding

    08/25/2011 | 11:42 PM
    Come on....tagal mo na nga ginagawa yan m2m kissing. Kunwari ka pa .
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Budingbuding

    08/25/2011 | 11:34 PM
    Come on....tagal m
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • volleyballbaby

    08/25/2011 | 07:24 PM
    shonga! art!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • mariantwinsister

    08/25/2011 | 06:00 PM
    Exploitation!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About