Masaya si Toni Gonzaga na humarap sa PEP. Ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang media nang matapos ang Tupperware Brands Link Up party na ginanap noong August 23 sa Opus Bar sa Resorts World Manila.
Pero hindi naman naiwasang hingan ng komento si Toni tungkol sa balitang nagli-link sa boyfriend niyang si Paul Soriano at sa lead star ng Thelma na si Maja Salvador
Si Paul ang direktor ng naturang pelikula na tungkol sa isang track runner na siyang ginagampanan naman ni Maja.
Walang kaabog-abog naman na nagpahayag si Toni tungkol sa isyu.
Aniya, "Ay naku, nag-usap na kami ni Maja. Actually, balewala sa amin ni Maja yung mga kumakalat [na balita].
"Kasi, I think what's important with us, dahil magkakaibigna kami, we know the truth and hindi kami magpapadala sa mga issues.
"Like what I told Paul, 'It comes with the territory here in the business na gano'n talaga.
"'It so happens na medyo nagiging celebrity ka nga dahil sa akin, na medyo nada-drag ka into this whole showbiz thing, kaya hindi maiiwasan na nali-link ka sa mga makakatrabaho mo ngayon.
"'But rest assured naman na alam mo yung totoo at alam mo kung ano yung ginagawa mo, na wala ka namang ginagawang masama, e, hindi mo kailangang magpaapekto.'
"Saka hindi na niya kailangang sagutin yung issue para hindi na rin pa magkaroon ng iba-ibang speculation yung ibang tao."
Dagdag pa ni Toni, hindi na rin naaapektuhan si Paul ng mga ganitong isyu dahil kahit papaano ay nasanay na rin siya dahil sa ilang taon na rin nilang relasyon.
Kumusta naman ngayon ang pakikitungo ni Toni kay Maja? Hindi ba sila nagkakailangan?
"Nakakaloka!" bulalas niya.
"Wala kaming problema ni Maja. Magkatabi nga kami sa ASAP [Rocks] nung Sunday, ni hindi nga namin pinag-usapan iyan.
"Feeling ko nga nahihiya si Maja na i-open up yun. But, other than that, walang problema sa amin ni Maja. Wala.




0

