"To be honest, I enjoyed all the scenes coz I really like working with the cast, with everyone in the movie. So every scene was like a new experience," says Mark McMahon about his scenes in Tween Academy: Class of 2012.

Photo: Noel Orsal

Filipino-Scot ang 19-year-old Azkals trainee na si Mark McMahon (pronounced "McMan")

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mark ay nalaman naming marunong naman pala siyang mag-Tagalog kahit hindi pa ganoong ka-fluent.

Paano siya natutong magsalita ng Tagalog?

"Kasi gusto ko mag-aral ng Tagalog para fluent ako, kasi gusto kong mag-enter sa showbiz and it's very important, it's a key," sagot niya.

Hindi first time ni Mark sa Pilipinas.

"Hindi. I grew up sa Surigao. I was born sa Surigao po, sa Siargao island.

"Six years ako doon, tapos when I was six, we went to Scotland.

"I come back here like every year. But this year is the first time in five years I've been back. 

"First time living alone here."

Nakatira ngayon sa Makati si Mark, at nasa Scotland naman ang parents niya.

AZKALS. Ilang years na siyang nagte-training for the team Azkals?

"Bago pa lang, nagte-training pa ako, hindi pa ako [naglalaro talaga], training lang."

Paano siya napasok as trainee ng Azkals?

"Kasi interested ako. Sa Scotland, I was in contact with the management ng Azkals.

"Tapos interested yung manager so he flew me over to Manila, they invited me for training and try out," kuwento niya.