Gabby Concepcion: "I trust KC, I trust Piolo sa relasyon nila. If it works out, then I'm happy for them. If it doesn't work out, well, life is like that, e."

Rommel R. Llanes
Friday, August 26, 2011 @ 08:29PM  |  28044 views

 

"Basta lahat naman tayo, pag nagmahal binibigay natin lahat, di ba? So, hanggang saan aabutin yung pagmamahal na 'yon sa taong binubuhos mo yung pagmamahal na 'yon, e, hindi natin alam. Sana lang it works out and I'm happy for the two of them," says Gabby Concepcion about his daughter KC Concepcion's relationship with actor Piolo Pascual.

Photo By: Rommel R. Llanes













Present din noong birthday ng young businessman na si Kenneth Dong sa Two Serendra noong Huwebes, August 24, ang aktor na si Gabby Concepcion.

Nasa events production din kasi si Kenneth kaya may kuneksyon siya kay Gabby at sa iba pang mga artista.

ON KC AND PIOLO RELATIONSHIP. Pagkakataon naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng mga TV crew na nagko-cover ng event na ma-interview si Gabby at hingan ng reaksyon hinggil sa pinagdadaanan ngayon ng relasyon ng anak niyang si KC Concepcion kay Piolo Pascual.

Una muna'y hiningan ng mensahe si Gabby para kina KC at Piolo.

"Basta lahat naman tayo, pag nagmahal binibigay natin lahat, di ba?

"So, hanggang saan aabutin yung pagmamahal na 'yon sa taong binubuhos mo yung pagmamahal na 'yon, e, hindi natin alam.

"Sana lang it works out and I'm happy for the two of them," mensahe pa ni Gabby.

Tinanong naman si Gabby kung sa tingin ba niya ay may pagkukulang si Piolo sa kanyang anak.

Napapabalita nga kasi ang pagkakamalabuan nina KC at Piolo.

"Hindi ko alam 'yan, e. Wala akong alam sa relasyon nila. Nababasa ko lang sa diyaryo.

"Nabanggit sa akin ni KC na sila na, from that point on, hanggang sa ngayon, hindi ko na alam kung ano ang nangyayari.

"Kaya nga, on the spot nga ito, hindi ko nga alam. Ngayon ko nga lang narinig, e.

"Ba't ako tinanatanong tungkol sa kanilang dalawa. Hindi naman ako ang may relasyon," nakangiting sagot ni Gabby.

Pero ayon sa 46-year-old actor, may tiwala naman daw siya sa kanyang anak at kay Piolo.

"I trust KC, I trust Piolo sa relasyon nila. If it works out, then I'm happy for them.

1  2  3  Next »

Related Articles

29 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name