Come October 2011, Martin del Rosario says he will be working on a TV project that will cast him as the male lead. It's a "light" drama.

Photo: Allan Sancon

Isang thanksgiving celebration ang idinaos para kay Martin del Rosario kagabi, August 25, sa R Bistro sa may Timog, Quezon City.

Ito'y dahil sa patuloy na pagdating ng blessings sa kanyang showbiz career, particular na ang magandang resulta ng katatapos na drama series na Minsan Lang Kita Iibigin, na masasabing biggest break ni Martin sa telebisyon.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), aminado ang Kapamilya newbie na malaki ang naitulong sa kanya ng ABS-CBN serye na tinampukan nina Coco Martin, Lorna Tolentino, Amy Austria, at iba pa.

"Talagang sobrang nagpapasalamat ako sa pagkakasali ko sa Minsan Lang Kita Iibigin dahil doon ako nakilala.

"And bukod sa iyong show ay napakaganda talaga na inabangan talaga ng maraming tao.

"Iyong mga kasama kong artista roon, ang gagaling talaga at natuto ako sa kanila.

"So, sa tingin ko, dahil doon ay mas napansin ako. In fairness sa show, binigyan talaga nila ako ng break kahit ako ang pinakabago roon.

"Kaya may mga weeks na may mga confrontation scenes din ako roon," ang mahaba at masayang panimula ni Martin.

Utang na loob daw niya ang kanyang career sa Kapamilya network.

Aniya, "Kaya po nagpapasalamat ako nang sobra-sobra sa ABS-CBN dahil ngayon talaga, lalo na this year, sobrang dami ng blessings."

Natutuwa rin siya dahil naging mabait ang mga co-stars sa baguhang tulad niya.

"Pinaka-close ako kina Coco at Andi [Eigenmann] dahil lahat halos ng eksena ko roon ay sa kanila," ang kuwento pa niya.

Kilalang magaling na aktor si Coco, hindi ba siya nailang sa mga eksena nila?

"Actually, noong nalaman ko na part ako ng show, hindi lang kay Coco ako natakot kundi sa buong cast dahil lahat sila, ang gagaling talaga, e. Kaya ang ginawa ko na lang ay talagang focus at ginalingan ko na lang.