Halos magdadalawang taon na matapos maganap ang pagnanakaw at pagpatay sa film critic at journalist na si Alexis Tioseco at sa nobya nitong si Nika Bohinc.
Matatandaan na noong gabi ng September 1, 2009, naganap ang naturang krimen sa bahay nila Tioseco sa 39 Times St., Brgy. West Triangle, Quezon City.
Base sa mga report, ninakawan diumano ang kanilang tahanan ng mga alahas at cash, at nang dumating ang mag-nobyo'y pinagbabaril sila ng mga suspek. (CLICK HERE for related article.)
Kumusta na nga ba ang naturang kaso?
Naimbitahan ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na dumalo sa presscon ng mga kapamilya at kaibigan nila Alexis at Nika kaninang hapon, August 26, sa opisina ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Taft Avenue, Manila.
Kasama ang kanilang abugadong si Bernice Mendoza, humarap sa press ang pinsan ni Tioseco na si Nathan Tioseco, at ang mga kaibigan ng magkasintahan na sila Gang Badoy, Erwin Romulo, at Mia Sebastian.
CRISELDA DAYAG. Ang itinuturong isa sa mga kasangkot sa naturang krimen ay ang kasambahay nina Alexis na si Criselda Dayag.
Ayon kay Gang Badoy, ang head ng Rock Ed Philippines kung saan niya nakilala ni Alexis, halos magdadalawang buwan na raw nagtatrabaho si Criselda bilang isang kasambahay bago naganap ang krimen.
Inirekomenda raw si Criselda kay Alexis ng isang magbobote na umiikot-ikot sa kanilang lugar.
Ang kuwento ni Gang, "Nakuha nila [si Criselda] through a recommendation of the bote-dyaryo in the neighborhood.
"As in sinabi lang, I think I remember [asking] na 'paano n'yo siya nahanap?'
"Tapos, yung umiikot lang sa neighborhood ng Quezon City, recommend siya na naghahanap siya ng trabaho, pero wala kaming alam."
Pero, bago pa man daw mamasukan kala Alexis, may isa na silang kaibigan na unang nag-hire kay Criselda, ngunit tinanggal din agad ito.
"Meron kaming kakilala na dati niyang employer na kaibigan din namin.
"Tapos, parang sandali lang siya doon kasi hindi nagustuhan ng nanay yung pagtrabaho niya, or magulo din siya at that time.




0

