Ian de Leon is also close to his half-brothers and sisters—the children of his father Christopher de Leon and Sandy Andolong.

"Oo, sina Rafael, Miguel, si Mariel..." Ian says, as well as Mica, and Gabriel de Leon, who reportedly has plans to join showbiz.

 

 

Photo: Noel Orsal


Para kay Ian de Leon, magbago man ang takbo ng showbiz ay mananatiling malapit siya kina Lotlot, Matet, Kiko, at Kenneth,  ang mga adopted children ng biological parents niya, superstar Nora Aunor and actor-politician, Christopher de Leon.


"Hindi magbabago yun," paniniyak ni Ian sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang ma-interview ang aktor, sa set ng TV5 mini-seryeng Sa Ngalan Ng Ina.


Katunayan, pawang De Leon ang mga dinadalang apelyido ng mga bata; o bago nag-asawa sina Lotlot at Matet, na hindi rin napalitan ang taglay na screen name.


Likewise, Ian, 35, who was christened Kristoffer "Ian" de Leon, talks about some of  his nieces (Lotlot's and Matet's daughters), with great fondness.


"Oo, si Janine, ang ganda ng pamangkin kong yun," he further said, referring to Janine Gutierrez, ang panganay nina Lotlot at Ramon Christopher, na pinasok na rin ang showbiz.


"Sina Mishka at Kikay [Mica]," natutuwang banggit pa ni Ian, sa mga daughters naman nina Matet at asawang si Mickey Estrada.


Biro namin, dahil binanggit na rin nito ang kanyang girlfriend na si Jennifer Orcine, siya rin ay mayroon nang "baby."


"Oo," nangiti uli si Ian.  Pero ang pagkakaroon daw ng sariling pamilya at anak ay wala pa sa isipan niya.


"Ipon muna.  Pundar muna, para pagdating ng araw, wala na tayong pinu-problema," aniya.


So far, maayos daw ang pagsasama nila ng nobya niya.


"Wala kaming ano... hindi kami nag-aaway.  She's my inspiration, kung bakit sige pa rin ako."


Kumusta naman sina Kiko at Kenneth?


"Lagi naman kaming nagkikita... si Kiko, meron siyang business na inaasikaso ngayon," pag-inform pa ni Ian sa PEP.


Bukod sa mga bata, naging malapit din si Ian sa kanyang aunt (Tita Villamayor) at mga uncle, Oscar and Eddie Boy Villamayor, na gusto rin daw niyang dalawin kasama ng kanyang mommy.


"Kakulitan ko noon si Tito Buboy noon. Oo, close din ako sa kanya," aniya.


ON DONNA CRUZ.  Masaya rin ang panayam ng PEP kay Ian de Leon nang mapunta ang  usapan sa dati niyang ka-loveteam na si Donna Cruz.


Lalo nang biruin namin si Ian at usisain kung naging "sila" nga ba, o naging mag-on sila ni Donna Cruz.


"Tapos na yun.  For a while lang," nakangiting banggit ng aktor.


"E, bigla siyang [Donna] umalis, tapos, nabalita, nagpakasal na," saad pa niya.


Aware din si Ian na mayroon nang tatlong anak na babae sina Donna at ang naging husband nitong ophthalmologist, Dr. Yong Larrazabal, from Cebu City.


Ang latest info, balak mag-comeback sa showbiz si Donna at kung saka-sakali, hindi malayong magbalik din ang tambalang Ian-Donna.


"Oo, gagawa kami ng [pelikulang] romance-drama.  Tapos, sasabayan ni mommy ng Guy and Pip," pagbibiro pa ni Ian.


Incidentally, si Tirso Cruz III, ng Guy and Pip loveteam, ay real-life uncle ni Donna Cruz. 


Back in the mid-'90s, nagkasama sa pelikula sina Nora at ang Ian-Donna loveteam, sa Muling Umawit Ang Puso (1995), an MMFF entry from Viva Films, directed by Joel Lamangan.  Pero hindi si Pip, kundi si Albert Martinez ang nakatambal dito ni Guy. 


For the Ian-Donna fans, however, isa yung memorable film ng tandem, tulad din ng Dahil Tanging Ikaw (1997), directed by Mac Alejandre. Donna had dual roles, opposite Ian and Jao Mapa.



Hindi man aktibo ngayon, lagi pa ring naalala ng publiko ang magandang singer-actress.



"Kami ang na-establish na loveteam [noon]," wika rin ni Ian about him and Donna.


At binanggit ng aktor ang iba pa niyang naka-loveteam din.
"For a while, si Vina [Morales], si Isabel [Granada], si Ina [Raymundo]," pag-enumerate pa ni Ian. 


"Puro may 'na' [ang name], ano? Donna, Vina, Ina," nangiti uli si Ian.


SA NGALAN NG INA.  "Masama ako dito, dating military na henchman ng former governor," pagtukoy din ni Ian sa ginagampanan ngayong papel sa tini-tape na mini-seryeng bida  ang kanyang actress-mom, Nora Aunor.


Nabanggit na rin sa PEP ng direktor, Mario O'Hara, ang bigat ng role o character ni Ian sa kuwento; dati nga'y si Ryan Agoncillo daw ang sana'y gaganap.


"May narinig nga ako, pero ang alam ko [rin], ang nag-suggest yung dad ko.  Pero kung kay Ryan [ang role], thank you, Ryan, at least nakasama ko [ngayon] ang parents ko.


"Wala naman sa akin 'yon; second choice, third choice... tenth choice.  Wala 'yon!"


As one of the henchmen of former Governor, Jose "Pepe" Ilustre (Boyet's character), si Ian o ang character niya ang may susi o kaalaman sa mga katiwalian at krimeng naganap, kabilang ang pagkakapaslang sa dating Mayor ng bayan, to be played by Bembol Roco. 


Malaki ang kinalaman dito ng character ni Rosanna Roces, as the villainess, na asawa ni Boyet at kalabang mortal ni Nora (bilang Donya Elena Deogracias, ang papalit na gobernador).


Excited si Ian sa ginagampanang papel, na puspusan na ang taping sa kasalukuyan.


"Oo naman.  Papakabugin ko yung mga tao," biro pa niya.


Bilang totoong anak ng superstar, madalas naitatanong kay Ian ang naging hamon sa kanyang pagkatao at kakayahan ng naging estado, personally and professionally.


"Sa pag-iisip ko talaga, meron... kasi [mataas ang] expectations.  Pero na-kundisyon ko na ang isip ko.  May mindset ako, na [sinasabi ko] sa sarili ko, bakit ako magdu-dwell do'n?


"I mean, gagawin ko na lang yung kailangan kong gawin," wika niya. "I'll just do my best. Kasi pag inisip mo pa yung pressure-pressure na 'yan, lalo ka lang mate-tense. Lalo kang mako-conscious.  Isu-sustain ko lang, gano'n."


"MAMA" GUY AND "PAPA" BOYET.  "Natutuwa naman ako dahil may tiwala naman sila sa akin," sabi pa ni Ian about his parents, Nora and Christopher.  


When Ian was 11 years old, nakasama niya sa pelikula ang kanyang mom and dad, sa family drama ng Regal, I Love You, Mama, I Love You, Papa (1986), directed by Maryo J. delos Reyes.


"'Pag tinatanong ako, sinasabi ko naman, e, naambunan rin naman ako [ng talent], kahit papa'no, ng Mama at Papa ko.  Alam naman nila [ang kakayahan ko] at may tiwala sila sa akin.


"Sa TV, napapanood nila ako... si Mommy, kahit papa'no, noon, napapanood niya [ang pag-arte ko].


"Siyempre, gusto ko ring ipakita sa kanya, 'Ma, 'eto po yung ginawa ko, tingnan mo po...' parang gano'n," natatawang sabi pa ni Ian.


"'Pag kasama ko ang mommy ko, nagiging makulit ako.  'Baby' ako sa kanya, e.  Ang sarap-sarap ng feeling!"


Close din ba si Ian de Leon sa mga half-siblings niya, o mga anak ng kanyang Papa Boyet at Sandy Andolong?


"Oo, sina Rafael, Miguel, si Mariel..." banggit niya.


May isa pang babae, bunso, si Mica; at ang pangatlong lalaki, si Gabriel de Leon, na balitang mag-aartista rin.


"Oo, actually, alam ko [mag-aartista siya], pero nag-aaral pa siya.
"Gusto ni Daddy, makatapos muna sila [ng pag-aaral], bago sila mag-showbiz.


"Parang Janine [Gutierrez] style, gano'n.  Tinapos muna niya yung college niya, bago siya sumabak [sa showbiz]," wika rin ni Ian.


LUIS'S JENNYLYN AND IAN'S JENNIFER.  Does Ian de Leon consider Luis Manzano an acquaintance?  For sure, hindi sila naging friends.


"Hmmmn... hindi, hindi. Yes, we're acquaintances," sabi ni Ian.  "Pero... alam mo yun? Yung..."


Tila mahirap para sa kanya ang pagbanggit kay Luis Manzano, lalo't kilala ito ng publiko bilang panganay na anak nina Gov. Vilma Santos-Recto at Edu Manzano.


O lalo't strong ang naging rivalry ng kanyang actress-mom at ni Vilma.


"Ewan ko... wala," sabi rin ni Ian.  Walang pagkakataon na magkita o magkalapit sila ni Luis, o Lucky.  "Lately, hindi.  Kasi, exclusive nga siya [sa Dos]."


Otherwise, he has always enjoyed the company of former co-actors and friends, the likes of Oyo Boy Sotto and now Manila Vice-Mayor Isko Moreno.


"Nakakasama ko sila, lumalabas kami.  Si Oyo Boy, nakakasama ko a couple of years back," ani Ian, who's manager, Malou Choa-Fagar, of TAPE, Inc, is also close to Oyo and other talents of Eat... Bulaga!


Incidentally, ang rumored girlfriend ni Lucky ay si Jennylyn Mercado. Ang girlfriend naman ni Ian de Leon ay si Jennifer Orcine.

Pareho silang may "Jenny" ni Luis.

Nang mag-open up si Ian tungkol sa pagkakaroon ng steady girlfriend ay tuluy-tuloy din ang pagkukuwento niya tungkol dito.

"Naiintindihan naman niya yung trabaho ko.  Very understanding naman siya.  Pinapaalalahanan niya ako, 'O, tama ba 'yang damit mo?  Kumain ka na ba?'


"Ang sarap niyang mag-care, wow!" bulalas pa ni Ian.  "Mahal na mahal ko yun.  At ang kulit no'n!  'Pag kami magkasama, ang kulit namin!"


BONDING.  Madalas na ngang nakakasama ni Ian si Jennifer sa mga showbiz functions, mula nang dumating ang kanyang superstar mom. And before Nora leaves again for the U.S., sometime in November, sabi rin ni Ian, "Marami pa kaming pagsasamahan.



"Babalik naman agad si mommy, next year.  Gusto niya gumawa kami ng... kahit na indie project, siya raw ang artista, at ako ang magka-cameraman; ang magdidirek," banggit pa ni Ian. 

Hindi maikailang sobrang na-miss ni Ian ang kanyang mommy kaya sinasamahan niya ito nang madalas at inaasikaso rin sa taping. Ganu'n na rin lang ang pag-aalala ng aktor nang magkasakit si Nora, at nang gumaling, ay agad-agad din ang ratsadang trabaho.


"Bukas, may pictorial," pagtukoy ni Ian sa petsang kasunod ng halos magdamag na unang taping ni Ate Guy, for SNNI.  


"Sabi ko, 'Wag na, ipahinga mo muna yan, mommy.'  Buti, mukhang inasikaso na po nila na magpahinga muna siya.  Kawawa naman kasi siya, e," pag-aalala pa ni Ian sa mommy niya.