Malaking hakbang ang pagsama ni Lovi Poe sa Star Magic Ball with Jake Cuenca sa September 3.
Paano siya napapayag?
"You know, Jake and I are good friends. Lalo na magkakasama kami dito [sa movie]. Actually, dun nag-start lahat sa movie," bungad na sinabi ni Lovi.
Magkasama sila ni Jake sa My Neighbor's Wife ng Regal Films.
"Wala nag-click kami agad ng ganun-ganun lang, so I think it's okay lang na sumama ako sa kanya.
"Bahala na kung anong mangyayari dun. Sabi naman niya, siya na ang bahala sa akin kasi siyempre sabi ko parang 'Hindi ba ako parang maa-out of place dun kasi hindi naman ako taga- diyan.'"
First nga yung gagawin niya, na isang Kapuso si Lovi at a-attend siya ng event ng mga Kapamilya stars.
"Yeah, so let's see kung ano'ng mangyayari."
Nagpaalam ba siya sa GMA?
"I told my manager that I'm going."
Paano nga siya napapayag ni Jake?
"Kasi kumbaga parang we got along so well, so why not?"
For sure kakabahan siya kasi lahat ng nandun ay mga Kapamilya, siya lang ang Kapuso.
"Of course kinakabahan ako kasi sanay na ako sa mga kasama ko na tulad nina Carla, ni Dennis, ayun, so siyempre, of course for sure, mahihiya rin ako, ganun.
"Pero bahala na si Jake mag-entertain sa akin dun, entertain-in niya ako dun.




0

