Halos walang makeup si Rosanna Roces nang humarap sa live interview niya sa Paparazzi ng TV5 kahapon, August 28. Malayo sa dati niyang hitsura na pusturada o elegante ang kasuotan at ayos ng buhok.
Naka-T-shirt lang si Osang (palayaw ng aktres) na natatakpan ng kanyang maong jacket. Naka-knee length din siyang shorts at naka-rubber slippers.
Kagagaling lang daw ni Osang sa Camp Crame para sa kasong isinampa nito sa kanyang dating bodyguard na siya rin niyang driver.
Hindi na raw nito nakuha pang umuwi ng bahay para makapagpalit ng damit. Dumiretso na ito sa studio para sa exclusive interview nito sa show.
THE BODYGUARD. Ang development ng kasong carnapping na isinampa niya laban sa kanyang dating bodyguard ang unang tanong kay Osang.
"As of yesterday, noong in-interview ako, tuloy," simulang kuwento niya.
"Kagabi, sa hindi inaasahang pangyayari, nag-iisa ako sa bahay at nagri-ready para sa taping, tumawag sa akin yung nine-year-old na anak no'ng [pulis]... na napalapit na din sa akin, na hiniling...
"Nag-iisa nga raw, yung ama niya ay kanyang ama't ina na rin. Single parent din siyang gaya ko.
"Hiniling na kung puwede na lambutan ko ang puso ko at magpatawad. So, ayun, as of 1:30 kanina [Sunday afternoon] na iuurong ko ang kaso.
"But with the kundisyon na ibalik niya yung hiniram niyang P85,000, plus yung mga gamit ko na inilikas no'ng bagyong Falcon from Provident.
"At nag-sorry na rin yung tao. Yun na rin ang una kong hinihingi na ginawa naman.
"Yung motor, nasa Crame na.
"So, dapat kahapon ko pa nai-release."
CARNAPPING. Carnapping ang kasong isinampa ni Osang sa kanyang bodyguard at driver na rin na umutang sa kanya ng P85,000.
"Ito po yung pinang-enrol niya sa anak niya. Pagka may mga kailangang...




0

