Sa "Juan For All, All For Juan" segment ng Eat Bulaga! noong Sabado, August 27, ay hindi nakasama nina Jose Manalo at Wally Bayola si Paolo Ballesteros.
Nagbiro ang dalawang comedians na may "challenge" si Paolo sa Baguio kaya absent ito sa show noong araw na yun.
Dalawang araw bago ang episode na yun ng Eat Bulaga!, noong August 25, ay nagtungo ang Showbiz Central sa Baguio City upang alamin kung ano ang "challenge" na ito ni Paolo.
Mula sa Department of Social Welfare and Development sa City Development Office, napag-alaman ng Showbiz Central na humingi ng tulong ni Paolo sa ahensiya para mabawi ang anak mula sa lola nito.
Matatandaang noong November 29, 2008, mismong araw ng kaarawan ni Paolo, isinilang ng girlfriend noon ng actor-TV host ang anak nila na si Keira Claire sa Chicago, Illinois. (CLICK HERE to read related story.)
February 2009, bagamat nagkahiwalay na sila, kasama ni Paolo ang ex-girlfriend na pinabinyagan ang bata dito sa Pilipinas. (CLICK HERE to read related story.)
Dahil nagtatrabaho sa Amerika, ipinaubaya muna ng ex-girlfriend ni Paolo ang anak sa lola nitong taga-Baguio City.
Simula noon, naging pribado si Paolo tungkol sa kanyang anak.
Natunton ng Showbiz Central si Paolo sa isang hotel sa Baguio City kung saan inamin nito ang plano nila ng ex-girlfriend.
Kuwento niya, "Kasi, nag-usap na kami ni Kaye, yung mommy ni Keira, na it's about time na kuhanin na namin siya from her mom, sa lola.
"Nakikiusap kami dun sa lola na, yun nga, baka puwede na namin siyang kunin. Kasi plano na namin na magsama-sama kami.
"Actually, nahiram ko lang siya once.
"The whole time talaga na nagpupunta kami dito, pag dinadalaw namin siya, hirap na hirap talaga kaming hiramin siya.
"Parang sa loob namin, 'Sige, hiramin mo na yung anak mo,' ganyan."
At this point ay umiyak na si Paolo habang ini-interview.




0

