Sa recent interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Rachelle Ann Go, naipahayag ng singer-actress na kabado siya at pressured sa pagiging first-time mentor niya sa upcoming talent search ng GMA-7, ang Protégé: The Battle for the Big Break. (CLICK HERE for related article.)
"'Yong Protégé nga, I'll be one of the mentors here and mag-i-start na kami this September.
"Ako actually 'yong pinakabata, so nakaka-pressure, 'no!"
Bukod kay Rachelle, ang iba pang mentors ay sina Janno Gibbs, Jaya, Jay-R, Aiza Seguerra, Joey Generoso, Rey Valera, Imelda Papin, Claire dela Fuente, and Gloc-9.
Dagdag pa ni Rachelle, "Siyempre, since ako nga 'yong pinakabata, ayoko namang... ayokong isipin na talagang kumpitensiya ko 'yong ibang mga mentors, di ba?
"Ang focus ko lang talaga ngayon 'yong tatlong alaga ko, tatlong protégés ko."
Anong feeling niya na ang mga katapat niya ay veteran singers?
"Sobrang overwhelming na parang, 'Totoo ba ito na nangyayari? Talagang sinama ako dito sa sampung mentors?'
"Sobrang, 'yon nga, nakaka-overwhelm, tiyak na nakaka-pressure din.
"Kailangan ayusin ko dito 'yong gagawin kong pagme-mentor, siyempre, at kumbaga, hindi biro 'to."
Anong klaseng mentoring ang ibibigay niya?
"Well, 'yong tatlo kong nakuha sa mga potential protégés, tatlo, may isang... Iba-iba, iba-iba talaga, e. Iba't iba sila—may bata, may rakista, merong R&B, grupo sila.
"Tapos tatlong girls, parang Destiny's Child 'yong peg naman, medyo biritera. Iba-iba talaga.
"Sa 'kin talaga, gusto ko kasi 'yong may puso, e. Gusto kong ilabas nila 'yong talent nila. Ayoko 'yong manggagaya sila sa ibang singers, puro birit na lang.





0

