Para kay Angelika dela Cruz, isa na siguro sa pinakamasayang character na ginampanan niya ay ang role niya kasalukuyang early primetime series ng GMA-7 na Futbolilits.
Gumaganap si Angelika rito bilang misis ni Paolo Contis na may pagka-weird. May pagka-kontrabida man pero yung tipong hindi namang isusumpa ng mga manonood.
Natatawang kuwento nga ni Angelika nang minsang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Nakakaloka actually. Minsan, kahit kami sa taping, nakaka-cut kami palagi dahil nagtatawanan at nagtatawanan kami sa set.
"Masaya actually yung taping. Parang hindi kami nagtatrabaho. Lalo na kami ni Paolo, para kaming naglalaro.
"Enjoy ako sa role. Parang maiba lang.
"Yung huli akong nag-comedy, yung Sana'y Wala Nang Wakas [ABS-CBN] pa."
Diretsahang tinanong ng PEP si Angelika kung hindi ba niya napi-feel na hindi na siya pambida ngayon, lalo na't she used to do lead roles noon sa GMA-7?
"Hindi, walang ganoon. Kasi, iba-iba naman.
"Bago mag-Dwarfina na kontrabida ako, sa Pilyang Kerubin, hindi naman ako kontrabida do'n. Paiba-iba.
"Tapos yung kami ni Iza Calzado na Kaya Kong Abutin ang Langit, hindi rin.
"So, kumbaga ako, gusto ko lang paiba-iba at saka continuous lang yung work. Pero hindi yung sobra," sabi ng aktres.
Hindi na siya yung dapat bida palagi?
"I just want to work," sambit ni Angelika.
"Kasi, it makes me happy. Acting makes me happy. Pero hindi yung sobra-sobra.
"Kasi, ang priority ko is my family, hindi na acting.




0

