"We are both really tired, but just to know that we are working together on one project, nawawala ang pagod ninyo. Tama nga ang sinasabi nila na when you work with the one you love, madali ang lahat," says Jay-R about helping Krista produce her dream album.

Photo: Noel Orsal

Going strong pa rin ang relasyon ng Prince of R&B na si Jay-R at ng 2010 Bb. Pilipinas-International Krista Kleiner.

Sa panayam kay Jay-R sa press launch ng bagong talent search show ng Kapuso network na Protégé recently sa Studio 7 ng GMA-7 Annex Studio, tinanong siya tungkol sa katayuan ng kanilang relasyon.

Nakangiti naman na sinabi ni Jay-R na maganda ang takbo ng relasyon nila ni Krista kahit na pareho silang busy sa kanilang mga trabaho.

"We're very okay and I must say that things are getting strong between us," nakangiting sabi ni Jay-R.

"Kahit na pareho kaming busy with work, we still have time for one another.

"Lalo na ngayon, we are in the process of producing her dance album.

"We're working at it together para maganda lumabas.

"Kaya in between my work sa GMA-7 na Protégé and her modelling stints here and abroad, nagagawa pa naming ayusin ng dance album niya.

"This is one of her dreams to have and I am more than willing to help her out in the best way a boyfriend can."

MY GIRLFRIEND, MY "PROTÉGÉ". Punong-abala nga si Jay-R sa pagbuo ng dance album ni Krista na à la Jennifer Lopez, Katy Perry, at Beyonce Knowles ang inspiration ng actress turned beauty queen.

Matiyaga ngang tine-train ni Jay-R ang kanyang girlfriend sa vocals nito bago ito sumabak sa magdamagang recording sa studio. Mistulang protégé niya ang kanyang girlfriend sa pagga-guide sa pagggawa ng dance album.

Kahit nga raw pagod silang dalawa, bale-wala raw iyon dahil nagtatrabaho sila bilang isang tandem sa naturang album.

"The vocal training and recording take us until the wee hours of the morning.

"We are both really tired, but just to know that we are working together on one project, nawawala ang pagod ninyo.

"Tama nga ang sinasabi nila na when you work with the one you love, madali ang lahat," sabi pa ni Jay-R.