Ibinalita ni Glaiza de Castro sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hanggang ngayong October na lang ang taping nila ng epicserye ng GMA-7 na Amaya. Pero aabot pa raw ang airing nito sa December.
Sa exclusive interview ng PEP kay Glaiza sa launching ng Artiste Connect Panoramanila at Shot Magazine last Sunday, August 28, sa White House Resto Bar, nakangiti man pero bakas pa rin sa mukha ni Glaiza ang panghihinayang na magtatapos na ang taping nila ng Amaya.
"Nag-start sila no'ng June pa. Pero ako, yung taping ko paunti-unti lang.
"Ngayon lang nagkakaano ulit yung mga eksena ko. Kasi by chapters yun. Nasa more than 10 na 'ata," paliwanag ng aktres.
Wala pa raw siyang alam na bagong show na ibibigay sa kanya ng GMA-7 pagkatapos ng Amaya.
Pero may pelikula naman siyang ire-release ngayong buwang ito.
"Magkakaroon ng theatrical release ang Rakenrol by September 21," banggit ni Glaiza.
ACTING PROWESS. Bagamat masasabing supporting role lamang ang ginagampanan ni Glaiza sa Amaya, marami ang nakakapuna sa husay niyang umarte kahit sa isang simpleng eksena.
Pero nilinaw naman niya na hindi niya intensiyon niyang galingan ang acting niya para lumutang siya sa serye.
"Hindi intensiyon yun, di ba? Dahil ayaw mo namang masabihan ka na nananapaw o nang-aagaw ng eksena.
"From the start naman po, ayaw ko naman sa gano'n, e, kumbaga, kumpitensiya?
"Kumbaga, ini-enjoy ko lang kung ano yung ibinibigay sa akin. Lalo na yung scenes na nasa script, ginagawa ko lang nang maayos.
"Wala rin sa malalaking part, e. Doon lang sa kung anong ibinibigay sa iyo, pag-igihan mo, gano'n lang," pahayag niya.
MARIAN RIVERA. Hindi rin daw nagkaroon ng tensiyon sa kanila ng bida ng Amaya na si Marian Rivera ang paglutang niya minsan sa kanilang mga eksena.
"Wala. Kasi nakakatuwa nga dahil... Alam mo pag artista ka, alam mo na kaagad kung meron na kayong koneksiyon, e, bilang magkapatid [sa serye].




CALLED OUT
ALL COMMENTS
31 lilac0808
30 Maton_1234
29 pwedenarin
28 Syete
27 canyoncreek
26 anonymous07
25 anonymous07
24 Speed_OfLight
23 shellphone
22 inggiteraparin
21 sitsitali
20 krenda
19 critical_critic
18 MadamClaudia
17 pinaysausa
16 thorns_143
15 kansilay
14 certified_orig1
13 DamonSalvatore143
12 exclusibo
more comments