news

Glaiza de Castro defends Amaya co-star Marian Rivera against detractors: "Siguro totoo lang talaga siyang tao."

by Rey Pumaloy posted on September 1, 2011  STATS: 59883 Views | 131 Comments

 

"Ang tingin ko sa kanya ay ate. Hindi lang doon sa Amaya kundi parang sa totoong buhay. Kasi mas marami siyang experience, mas marami siyang pinagdaanan. Kumbaga, sini-share lang niya sa akin," says Glaiza de Castro about Amaya co-star Marian Rivera.

Photo By: Noel Orsal

Ibinalita ni Glaiza de Castro sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hanggang ngayong October na lang ang taping nila ng epicserye ng GMA-7 na Amaya. Pero aabot pa raw ang airing nito sa December. 

Sa exclusive interview ng PEP kay Glaiza sa launching ng Artiste Connect Panoramanila at Shot Magazine last Sunday, August 28, sa White House Resto Bar, nakangiti man pero bakas pa rin sa mukha ni Glaiza ang panghihinayang na magtatapos na ang taping nila ng Amaya.

"Nag-start sila no'ng June pa. Pero ako, yung taping ko paunti-unti lang. 

"Ngayon lang nagkakaano ulit yung mga eksena ko. Kasi by chapters yun. Nasa more than 10 na 'ata," paliwanag ng aktres.

Wala pa raw siyang alam na bagong show na ibibigay sa kanya ng GMA-7 pagkatapos ng Amaya.

Pero may pelikula naman siyang ire-release ngayong buwang ito.

"Magkakaroon ng theatrical release ang Rakenrol by September 21," banggit ni Glaiza.

ACTING PROWESS. Bagamat masasabing supporting role lamang ang ginagampanan ni Glaiza sa Amaya, marami ang nakakapuna sa husay niyang umarte kahit sa isang simpleng eksena. 

Pero nilinaw naman niya na hindi niya intensiyon niyang galingan ang acting niya para lumutang siya sa serye.

"Hindi intensiyon yun, di ba? Dahil ayaw mo namang masabihan ka na nananapaw o nang-aagaw ng eksena. 

"From the start naman po, ayaw ko naman sa gano'n, e, kumbaga, kumpitensiya? 

"Kumbaga, ini-enjoy ko lang kung ano yung ibinibigay sa akin. Lalo na yung scenes na nasa script, ginagawa ko lang nang maayos.

"Wala rin sa malalaking part, e. Doon lang sa kung anong ibinibigay sa iyo, pag-igihan mo, gano'n lang," pahayag niya.

MARIAN RIVERA. Hindi rin daw nagkaroon ng tensiyon sa kanila ng bida ng Amaya na si Marian Rivera ang paglutang niya minsan sa kanilang mga eksena.

"Wala. Kasi nakakatuwa nga dahil... Alam mo pag artista ka, alam mo na kaagad kung meron na kayong koneksiyon, e, bilang magkapatid [sa serye]. 

1  2  3  4  5  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

131 Comments

  • 11  Deane_2005

    09/01/2011 | 09:54 PM
    Ang galing ng chemistry nila ni Datu Saghid sana magkasama sila sa next project nya
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 10  darnamaya

    09/01/2011 | 09:53 PM
    capiz, totoong obsess ka ke marian, totoong inggit ka at totoong loser ka.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • ding12

    09/01/2011 | 09:49 PM
    mas gusto ko yung totoong tao kesa plastik!tama ang tinuran ni binayaan totoong tao tlga ang ating BAI!!wag na pansinin ang mga uripong saguigilid..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • Clara Pastor

    09/01/2011 | 09:45 PM
    ano ba pipiliin nyo yung totoong tao na hindi nya tinatago kung ano sya or plastic na ugali na mabait kuno pero pag nakatalikod ka na she or he stabs you at your back o kaya nman nandidiri to the max!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • alkassim

    09/01/2011 | 09:36 PM
    ayan MARKY2000 galing galing mo magkalat sa article ni angle..ngayong ginagantihan kayo via this article eh magagalit..lol. baklang to!hahaha
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • hototguy

    09/01/2011 | 09:33 PM
    Capiz, gamit mo pa naman ang probinsyang yan, malamang ikakahiya ka ng mga taga-Capiz... better to change na lang.. IPIS, yan bagay sa pagkatao mo yan.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • shiblee

    09/01/2011 | 09:05 PM
    si capiz, sa tirada nyang yan, di ko masasabing kabutihang tao sya.... ha ha ha... peace po...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • brave_angel

    09/01/2011 | 08:54 PM
    totoong tao kaya nga what u see is what u get eh lol. Un na...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • Space_Ace

    09/01/2011 | 08:47 PM
    cge capis, magpakasawa ka. enjoy mong maigi. wala namang naniniwala sa iyo eh. hehehehe
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • MARKY2000

    09/01/2011 | 08:28 PM
    capisceniente..Hindi ka namin iha-harrass kase hindi naman kami praning tulad mo.I enjoy mo lang yan.Tutal dyan ka masaya eh.O ano happy ka na at meron nang pumansin sa iyo?KSP eh no?sige tuloy mo lang.Enjoy!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • capisceniente

    09/01/2011 | 08:22 PM
    Tama ka, Glaiza! Totoong tao talaga sya. TOTOONG KONTRABIDA, at totoong masama ang ugali nya.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About