Nakita ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ciara Sotto last Sunday, August 28 sa White House resto sa Timog Ave., Q.C. sa relaunch ng Panoramanila at Lyrics & Sheets ni Direk Dante "Ga" Garcia.
"Sinamahan ko yung husband ko kasi they work together sa Iskul Bukol," panimula niya.
"Sa APT [Films], e. Di ba my husband, COO ng APT.
"E, si Direk Ga, director siya ng Iskul Bukol and is my friend. Support lang for Direk Ga."
BABY, BABY? Magdadalawang taon na rin silang kasal ng kanyang asawang si Joe Oconer at may mga nagtatanong kung plano na ba nilang magkaanak.
"Nakaplano yan, itong siguro end of this year, we're planning talaga."
Bakit end of this year?
"Kasi ano, e, mas less hassle for both of us. Wala na masyadong work. Na-stress ako masyado sa theatre.
"Tapos na yung play namin na Sweet Charity just last night [Saturday].
"Baka magka-rerun kasi maraming nagtatanong, pero hindi pa namin alam kung kailan."
Nag-enjoy si Ciara sa naturang play bilang si Helene na kaibigan ng bidang si Nickki Gil.
"Sobra, sobrang enjoy sa stage! 'Tsaka iba yung sense of fulfilment sa stage kasi nakikita mo agad yung reaction ng mga tao.
"And parang lahat ng pinagpaguran mo for three months na paulit-ulit na rehearsal.
"Tapos, pag nag-perform ka na, tapos makikita mo yung reaction nila, ang sarap ng pakiramdam. Grabe!"
Although sinasabing mas may pressure kasi walang take two sa theater.




0

