"You know naman, I really work so hard and [it's] almost everyday. So now, whenever I get a time to have a vacation, of course I spend it with him," says Anne Curtis of her boyfriend  Erwan Heussaff.

Photo: Noel Orsal

Si Anne Curtis ang boses sa likod ng bagong rainy season station ID ng ABS-CBN, kung saan inawit niya ang "Sukob Na," original song ng grupong 17:28.

Sa panayam sa kanya sa Showbiw News Ngayon, kagabi, September 1, sinabi niyang tila hindi siya makapaniwala na siya talaga ang umawit para sa naturang station ID.

"Wow!" bulalas niya.

"Parang, this is really happening? Parang hindi ako makapaniwala, a station ID is a station ID, aminin natin 'yan, di ba?

"Habang kumakanta ako si Ms. Sharon [Cuneta] nandun umiinom ng kape.

HER ALBUM. Bukod sa pag-awit niya para sa station ID ng Kapamilya network, all set na rin daw ang launching ng kanyang first ever album.

"Everything is done," pagkumpirma niya.

"I'm just choosing between a jewel case and a digi pack, yung cardboard. So, I'm choosing talaga.

"It really was a dream of mine to have an album and tsumamba na ito na tapos na ang album ko. And it's set to come out when I come back from Europe.

"Ito na yung timing na mag-i-station ID raw ako. Sabi ko, 'wow, 2011 is my year as a singer.'"

Sa nalalapit na paglabas ng kanyang album, at pag-awit niya sa station ID ng ABS-CBN, tila sineseryo na ni Anne ang kanyang singing career.

Pero giit niya, "It's such a fulfillment because I don't take singing seriously, na parang it's my career.

"It's is more like to do [it] for fun. It gives that kind of feeling to those who listen to my voice.

"Fun lang din yung feeling nila. Light lang and so I'm happy."

TRIP TO EUROPE. Umalis ng bansa si Anne para sa isang vacation sa Europe at kasama niya ang kanyang boyfriend na si Erwan Heussaff.