Masayang-masaya ang veteran actress na si Nova Villa sa pagta-trabaho niya sa Kapuso pre-primetime show na Futbolilits.
Kahapon sa press visit sa set ng serye sa may Parañaque, nakangiti niyang ikinuwento ang mga projects niya.
Hindi pa man tapos ang Fubolilits ay may lagare na siya agad sa bagong primetime series, tentatively titled Sundo. Ito ay pagtatambalan muli nina Dingdong Dantes at Rhian Ramos.
Posible raw na next week na ang start ng taping nila for Sundo after their storycon. Tuesday-Thursday-Saturday ang taping niya for Futbolilits at sa remaining days naman niya ay para sa Sundo.
However, twice a month ay posible raw magsabay ang taping ng dalawang serye.
Hindi ba siya napapagod sa dami ng kanyang trabaho?
"Alam niyo hindi," nakangiti niyang sinabi sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).
Naranasan na rin daw niyang magpahinga like two years na guesting-guesting lang. Sa taping naman, may cut-off time siya na 2:00 A.M.
"Meron akong cut-off, alas-dos. Pero minsan hindi naman nasusunod, so, kinalimutan ko na yun," natatawa niyang sabi.
"Noon kasi, nagbe-vertigo ako, sa sobrang puyat. Tapos, noong bandang-huli, nawala. Siguro napahinga. Kasi noon talaga, walang tulugan like sa Nita Negrita namin. Pero ngayon, umokey.
"Actually, alam naman nila na hanggang 2:00 AM [lang ako]. Pero minsan, may mga eksena na talagang napaka-importanteng kunan. Nahihiya naman ako na, para bang mapuputol yung momentum mo.
"E, dramang-drama na ang kasama mo tapos, bigla kang uuwi. Pero kapag talagang hindi ko na kaya, kapag nagsunod-sunod na, ako na mismo ang nagsasabi, 'Direk, hindi ko na po kaya.' Tapos, tawang-tawa sila sa akin. Kasi, I'm honest [enough] to tell them.
"At saka, nakikita na rin sa camera na pungay-pungay na ang mata ko."
Sa Futbolilits, puro mga bata ang karamihan sa cast at kasama niya. Pero ayon sa veteran actress, lahat naman daw ay masasabi niyang behave.
"Magagaling ang mga PA namin dito, mga staff, napapa-behave naman."




0

