Ipinakita ni Ian de Leon sa PEP ang mga nakunan niyang larawan, during rehearsals, sa nai-tape na eksena ng kanyang parents na si Nora Aunor at Christopher de Leon.

"Masaya ako, kasi sina mommy at daddy 'yan, e," Ian says. "Matagal na silang hindi nagkasama.  Ako ang unang-unang masaya sa pagsasama uli nila sa mini-series."

 

 

Photo: Noel Orsal

Bilang anak, masayang-masaya si Kristoffer "Ian" de Leon sa pagbabalik sa bansa ng kanyang mommy, ang Superstar na si Nora Aunor.  

At lalong naging masaya at masigla si Ian nang mapasali siya sa cast ng Sa Ngalan Ng Ina, ang TV5 mini-series na tampok din ang kanyang dad, ang aktor na si Christopher de Leon.

Pero dahil lagi na ring kakabit ng mommy (Nora) niya ang mga kontrobersiya at intriga, ugnay sa propesyon nito bilang aktres, hindi masaya si Ian.  Naaapektuhan ang emosyon niya kapag may naglalabasang negatibong ulat na nai-implicate ang kanyang mommy.

Lately, ang mga usapin ay ang tungkol sa umano'y "magulong" pamamahala sa career ni Nora Aunor, na kung tutuusin ay "non-issue," dahil maayos na ang kontrata ni Nora Aunor sa TV5, para sa kasalukuyang tini-tape na mini-seryeng Sa Ngalan Ng Ina.

Natapos na rin niya ang halos nobenta porsiyento ng mga eksena niya sa pelikulang El Presidente, opposite Laguna Governor Jorge "ER" Ejercito.

Kung ang pag-uusapan naman ay ang tungkol sa actor-rapper na si John Rendez, na naiuugnay pa rin sa superstar, at pinupukol ng sari-saring intriga, sa ngayon ay wala namang natutukoy na problema sa pagitan nina John at Ian, na dapat problemahin, kung saka-sakali, ni Nora.

In fact, John and Ian now get along very well.  At maayos na maayos, na laging nagba-bonding sa set ng SNNI sina Nora at ang kanyang actor-son.

"Nakakalungkot [lang] ang buhay nila," banggit ni Ian de Leon, patungkol sa mga patuloy na tumutuligsa sa kanyang mommy (Nora).

Sa pinakahuling interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Ian, kahapon, September 2, sa location taping ng Sa Ngalan Ng Ina, sa Taal, Batangas, ay nagsalita na si Ian, in general, tungkol sa mga negatibong pag-uulat-atake sa kanyang inang superstar.

"Unang-una, si mommy, nang bumalik dito [sa Pilipinas], when she came back here, focused siya sa kailangan niyang gawin," simula ni Ian. 

"Focused siya sa mga goals niya," dagdag pa niya.

"'Yung mga taong... gustong hilahin siya pababa, isa lang ang masasabi ko sa kanila:  Ang baba naman ng pagkatao ninyo para [gustuhing] hatakin [pababa] ang mommy ko!

"Sabi ko, 'Subukan n'yo lang na [kalabanin] si mommy, ako ang makakalaban ninyo!" seryosong sambit pa  ni Ian.

"Hindi ko hahayaang ganuni'n lang ang mommy ko sa tao," pahayag pa ng nag-mature nang si Ian, 35 years old.

"They don't have the right to say things against my mom!  They don't [really] know my mom.  Why don't they just look at themselves first, di ba?" tanong pa ng anak nina Ate Guy at Christopher de Leon.