Angelica Jones's mom denies rumors that she plans to sue talk show host Lolit Solis

Jojo Gabinete
Sunday, September 04, 2011 @ 05:00PM  |  10622 views

Ayon kay Evita Alarva, a.k.a. Beth Jones (ang nanay ni Laguna Board Member Angelica Jones), walang dahilan para idemanda niya si Lolit Solis, ang host ng Startalk, dahil magkaibigan sila. Ito ay taliwas sa balita na galit na galit daw siya nang marinig ang report ni Lolit sa dzBB at dzRH na nagbebenta diumano si Beth ng tuko.

Photo By: Noel Orsal; File Photo













Kahit marami ang nagpapatunay na may plano siya na idemanda si Lolit Solis dahil sa radio report nito na pagbebenta ng tuko ang kanyang negosyo, nanindigan ang nanay ni Laguna Board Member Angelica Jones na walang katotohanan ang balitang pagdedemanda.

Ayon kay Evita Alarva a.k.a. Beth Jones, walang dahilan para idemanda niya ang host ng Startalk dahil magkaibigan sila, taliwas sa balita na galit na galit daw siya nang marinig ang report ni Lolit sa dzBB at dzRH.

Sabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Tingnan mo, pinalalaki ang isyu. Kay Manay Lolit, sorry po, hindi ako nanonood ng TV dahil busy ako sa pagpa-public servant. At hindi rin ako nakikinig ng radyo o nagbabasa ng diyaryo. Ngayon ko lang nalaman na idedemanda ko si Manay Lolit.

"So, bakit ko naman siya idedemanda? Unang-una, wala naman akong nakikita na ginawa niyang masama sa akin. Kung meron man, hindi ko alam.

"Wala akong plano at saka, bakit ko idedemanda, e, magkaibigan naman kami ni Manay Lolit?

"Talaga naman nauso ang tuko. Ako, natuwa lang ako kasi hindi pa ako nakakita ng tuko. Bumili ako ng maliit, inalagaan ko. So, yun inalpasan ko uli siya. Nandoon lang sa house namin pero gusto kong i-clear, may lumabas na isyu.

"Dyusko, masyado naman akong sikat, na milyon-milyon daw ang kinita ko sa tuko, tapos hindi raw ako makapagbayad sa katulong.

"My God, sorry, wala akong ibinebenta, kahit isang tuko. Swear to God, mamatay  na kaming mag-anak pero salamat sa mga writer kasi pinasisikat n'yo ako.

"Sa totoo lang, kung  ako'y nakabenta ng tuko at ako'y merong kinita, No. 1 ang mga PRO ko, imbitado ko. Siguradong may pa-despedida ako. E, wala naman, kahit isang pera."

Malinaw ang sinabi ng ina ni Angelica na hindi totoo na kakasuhan niya ng libel si Lolit pero sa kanyang mga sumunod na pahayag, may babala siya sa mga miyembro ng media na nag-report na nagbebenta siya ng tuko.

"Actually, kinukuha namin isa-isa ang ebidensya na nagbalita sila nang ganoon kasi... hinihiling ko lang sa ating mga media, bago tayo magbalita, kuhanin natin ang magkabilang sides.

"Pangalawa, huwag tayong padala sa mga balita, lalo na kung nabigyan ka, lalo dito sa amin, may namimigay. Kami, hindi kami namimigay ng pera. Lalaban kami sa tamang laban.

"Sabi nga ni bokal [Angelica], nakipaglaban siya noong 14 years old, the truth will prevail. Sixteen years old, nakipaglaban siya sa isang congressman.

"Isa pa, ayaw nitong patulan ni board member kasi naaawa siya sa mga katulong pero kung hindi ito titigil, lalo na ang mga media na nagbabalita ng hindi totoo, actually, inisa-isa na ngayon ng mga staff namin...

"Dadaan kami sa proseso, padadalhan namin sila ng sulat at iimbitahan. Hindi kasi ito showbiz, isa itong political career ng  isang tao na handang maglingkod na sinisira ng mga kalaban.

1  2  Next »

Related Articles

14 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name