Arci Muñoz excited about her first solo project with Kapatid network

Eric Borromeo
Sunday, September 04, 2011 @ 10:42PM  |  143 views

Arci Muñoz on Felina, Prinsesa ng mga Pusa, her first solo project with TV5: "Heavy drama [yung serye]. Akala ko nung una, fantasy siya, pero last week nag-storycon kami, as in heavy drama. Isinumpa siya. Chaka [pangit] siyang tao, as in mukha siyang pusa. Nung una, akala ko rin superhero, ala Catwoman," she says.

 

 

Photo By: Noel Orsal














Excited si Arci Muñoz sa first solo project niya sa TV5, ang Felina, Prinsesa ng mga Pusa, isang afternoon TV series.

Ngayong Linggo, September 4, ang pilot taping ng naturang serye.

"Heavy drama [yung serye]. Akala ko nung una, fantasy siya, pero last week nag-storycon kami, as in heavy drama. Isinumpa siya. Chaka [pangit] siyang tao, as in mukha siyang pusa.

"Nung una, akala ko rin superhero, ala Catwoman," kuwento ng aktres matapos ang presscon ng isa pang TV5 series, Ang Utol Kong Hoodlum, kagabi, September 3. Kasama din si Arci sa cast ng aksyon-serye.

Kailangang lagyan ng prosthetics si Arci para sa kanyang karakter. Aminado ang aktres na nagkaroon siya ng trauma sa prosesong ito noong ginawa niya ang seryeng, Mga Nagbabagang Bulaklak.

"Kasi mahirap naman talaga, kahit naman sino sigurong artist ayaw yon. May trauma na nga ako e, pero alam naman nila [TV5] ito. Saka ang gagamitan lang naman nila yung tenga ko.

"Pero sinukatan na ako ng costume, ng ngipin, talagang pinagkagastusan, pati yung hair ko, ay, bongga!" kuwento niya.

Ang target airing ng Felina ay sa darating na Oktubre. Nabanggit din ni Arci na ang dalawa niyang leading men dito ay sina Leandro Muñoz at Ahron Villena. Kukunan na raw ang mga eksena nila ni Leandro dahil kailangang bumalik na ito sa Amerika.

Lahad pa ni Arci, may shortage daw ng lead actors sa TV5.

"Iilan lang kami dito, di ba? Dito nga, nahirapan kaming maghanap ng leading man for Felina," aniya.

Pero may request daw ang daddy niya na makatambal niya si Gerald Anderson.

"Sabi ng daddy ko, 'Sabihin mo naman kay Tita Annabelle [Rama], baka naman puwedeng hiramin si Gerald Anderson.'"

Masaya at very thankful si Arci sa trabahong ibinibigay sa kanya ng TV5. Isa siya sa tinuturing na Primetime Princesses ng TV network.

Pero lahad ng aktres, hindi naman daw siya nakikipag-compete para mas umangat sa iba niyang Kapatid.

"I'm here to work and have a career. Ngayon, gagawin ko nang maayos ang trabaho ko. Saka ipapakita ko sa kanilang lahat na iba ako. I have my own identity, sila naman meron [din]. I just do my job. Kung ano ang inasa sa akin na task, mas malaki pa yung ibibigay ko.

1  2  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name