"Maybe instead of feeling bad that Albie left me to take on this responsibility by myself, I should thank him for giving me the opportunity go out and find genuine happiness once again," says Andi Eigenmann, who finally admitted in her blog that Albie Casiño is the father of her child.

Photo: Noel Orsal

Mula nang lumabas ang balita tungkol sa pagbubuntis ng young actress na si Andi Eigenmann, naging malaking palaisipan na sa karamihan ang katauhan ng ama ng kanyang dinadala.

Dalawang pangalan ang lumutang kasabay ng balitang ito—si Albie Casiño, na dating nobyo niya, at si Jake Ejercito, na napapabalitang kasalukuyang nobyo niya. (CLICK HERE to related story.)

Naging tahimik si Andi tungkol dito.

Gayunman, naging vocal ang kanyang mga kapamilya tungkol sa ama ng kanyang anak; lalo na ang kanyang daddy na si Mark Gil.

Sa panayam ni Mark Gil sa The Buzz ay nagparating ito ng matatapang na pahayag sa itinuturong ama ng dinadala ni Andi. (CLICK HERE for related article.)

Pero ngayon, tila si Andi na mismo ang naglagay ng tuldok sa mga usap-usapan sa kung sino ang tunay na ama ng kanyang dinadala.

MOTHER AT 21. Kahapon, September 4, ay isiniwalat na ni Andi sa kanyang blog entry, na may title na "The Good That Won't Come Out Chapter: Deux", ang pangalan ng ama ng kanyang anak—si Albie Casiño.

Ipinarating din ni Andi sa kanyang blog entry ang kanyang sentimyento sa maagang pagbubuntis niya.

Aniya, "As soon as I have learned to embrace the fact that instead of having a child at the age of 29, it was blessed upon me as early as now."

Dagdag pa niya, bagamat nabuntis siya ng mas maaga kaysa sa kanyang pinaplano, tingin niya'y hindi ito magiging hadlang upang matupad niya ang kanyang mga pangarap.

"All those points that would usually bring me to endless tears, have remained to be dreams, STILL highly possible from coming true.

"Amidst the lack of maternal instincts, and no ounce of being nurturing or maternal whatsoever, I am now undoubtedly ready to raise a child on my own."

THE FATHER OF HER CHILD. Kasabay ng kanyang pagsasabi ng saloobin, tila hindi na rin napigilan ni Andi na banggitin ang ama ng kanyang dinadala— si Albie.

Pero, walang bahid ng galit o sama ng loob ang mga binitawang salita ni Andi sa dati nitong nobyo.